Yeng Constantino, pinakita ang farmhouse nila ng kanyang mister

Yeng Constantino, pinakita ang farmhouse nila ng kanyang mister

- Sa kanyang bagong vlog, pinakita ni Yeng Constantino ang pinagawa nilang ng kanyang asawa na farmhouse

- Aniya, ang gusto umano nila ay maramdaman ang ibang vibe sa bahay nila sa Maynila kaya hindi kagaya sa bahay nila, naka-rough finish lang ang sahig nila sa farmhouse

- Maliit lang din ang farmhouse nila na mayroong kusina, veranda, tulugan nilang mag-asawa at sala

- Ayon kay Yeng, ipapakita pa niya ang itsura ng kanilang farmhouse kapag nalagay na nila ang mga gamit na ilalagay pa lamang

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Masayang binahagi ni Yeng Constantino ang isang house tour sa pinagawa nilang farmhouse. Maliit lamang ang kanilang farmhouse kung ikukumpara sa bahay nila sa Maynila.

Yeng Constantino, pinakita ang farmhouse nila ng kanyang mister
Yeng Constantino (@yeng)
Source: Instagram

Rough finish lang ang farmhouse nila para umano iba ang vibe sa bahay nila sa Manila. Maliit lang din ang farmhouse nila na mayroong kusina, veranda, tulugan nilang mag-asawa at sala.

Read also

Fashion Designer, pinapahanap ang Kakampink couple na nag-viral matapos ma-bash

Paborito umano ni Yeng ang barn door nila na nakikita niya lang daw sa Pinterest. Aniya, maliit lamang ang kanilang sala ngunit dahil sa mataas na kisame ay nagmukhang malaki ang bahay. Malalaki din ang bintana kaya maliwanag ang loob.

Ang kanilang kusina naman ay may mga hanging shelves at bukas lang din ang ilalim ng kailang lababo para makita umano ang mga gamit na nakalagay doon. Mababa lang ang ceiling sa kusina dahil sa taas nito ay ang kwarto nilang mag-asawa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang ilan sa mga komento ng viewers sa video ni Yeng:

So happy for the both of you sobra!!! Sobrang saya ko din kasi nakasama kami sa progress ng house nyo ate, thank you so much for letting us see this tiny yet comfy dream house of yours! fave ko yung bathroom na visible yung roof tapos yung banig na wall ackk so lamig sa eyes, and then yung loft bed na I was dreaming na magkaron!

Read also

Mariel Padilla, pinakita ang kanyang reaksiyon nang malamang #1 si Robin Padilla sa pagka-senador

Very Home buddies! Ang ganda ng color palette. Fav part ko yung bathroom, lakas maka spa. Another inspiration for my future tiny home . Thanks for sharing ate
Ang ganda, Miss Yeng. Ang sarap mag-stay kasi parang resort sya. Very relaxing ang place and the ambiance. Congratulations

Si Yeng Constantino ay isang mang-aawit na nakilala matapos niyang manalo at tinanghal na "Grand Star Dreamer" sa Pinoy Dream Academy. Ikinasal siya kay Yan Asuncion noong February 14, 2015 sa isang resort sa Tagaytay, Cavite. Kamakailan ay pinasilip ni Yeng ang kanyang simpleng buhay kasama ang asawa.

Isa si Yeng sa nagpakita ng kanyang matinding pagsuporta sa kaibigang si Angeline Quinto nang pumanaw ang ina nitong si Mama Bob. Hindi maiwasang bumilib ni Yeng sa kaibigan sa pinamalas nitong katatagan.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel