Herlene Budol, humingi ng dispensa matapos "magnakaw ng halik" kay Alden Richards

Herlene Budol, humingi ng dispensa matapos "magnakaw ng halik" kay Alden Richards

- Agad na umani ng mga komento ang Tiktok video ni Herlene Budol kung saan makikita siyang humalik kay Alden Richards

- Wala namang sinabi si Alden pero para sa mga netizens tila nabigla at hindi umano nagustuhan ni Alden ang ginawa ni Hipon

- Sa isang komento ay humingi ng dispensa si Hipon at nagsabing nag-sorry din siya kaagad kay Alden pagkatapos ng pangyayari

- Sa isang naunang vlog ay inamin ni Herlene na fan siya ng tambalang AlDub noong kainitan ng pagiging sikat nina Alden at Maine Mendoza

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Umani ng mga negatibong komento ang TikTok video ni Herlene Budol kung saan makikita siyang humalik sa pisngi ni Alden Richards. Minabuti ni Herlene na humingi ng dispensa at nagpaliwanag na nag-sorry na rin siya kay Alden.

Herlene Budol, humingi ng dispensa matapos "magnakaw ng halik" kay Alden Richards
Herlene 'Hipon' Budol (@herelene_budol)
Source: Instagram

Noon pa man ay aminado na si Herlene na fan na fan siya ng tambalang AlDub noong kainitan ng kasikatan nina Alden at Maine Mendoza sa GMA noontime show na Eat Bulaga. Aniya, asar siya noon kay Pastillas Girl lalo pag naririnig niya umanong pinag-uusapan ito ng kanyang mga kaklase noon.

Read also

Herlene Budol, 'di pa nagagamit ang mamahaling bag at shoes na bigay sa kanya ni Alex Gonzaga

Si Pastillas girl ang pinangtapat ng It's Showtime noon sa namamayagpag na tambalan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa naturang TikTok video, wala namang sinabi si Alden pero para sa mga netizens tila nabigla at hindi umano nagustuhan ni Alden ang ginawa ni Hipon.

Sorry po Sa mga nailang para Kay alden nag sorry po ako after at nag paalam din.

Si Herlene "Hipon" Budol ay unang nakilala sa kanyang bansag na Hipon Girl sa programa ni Willie Revillame na Wowowin. Minahal siya ng kanyang mga tagahanga at tagasubaybay dahil sa pagiging prangka nito kahit pa sa harap ng kamera.

Naging laman ng mga balita ang kontrobersiyal na sagutan nila ng Miss Universe Manila na si Alexandra Abdon sa Wowowin. Gayunpaman, nagkaayos silang dalawa at nagkapatawaran na.

Read also

Herlene 'Hipon' Budol, ga-graduate na ngayong taon sa kursong Tourism Management

Matatandaang matapos niyang makapanayam ni Toni Gonzaga sa kanyang YouTube show na ToniTalks, dumami ang gustong tumulong sa kanya. Pinagshopping din siya ni Alex Gonzaga ng mamahaling bag at sapatos.

Kamakailan ay ibinahagi ni Herlene na kagaya ni Madam Inutz ay napagpasyahan niyang magpa-manage kay Wilbert Tolentino. Abot-abot ang kanyang pasasalamat sa pagtulong sa kanya ni Wilbert lalo na sa pag-ayos ng kanyang bangko para sa kanyang sahod sa YouTube.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel