Kaye Abad, aminadong nanghihiram lang noon ng mga susuotin niya

Kaye Abad, aminadong nanghihiram lang noon ng mga susuotin niya

- Sa kanyang kwento kay Francine Diaz, aminado si Kaye Abad na sobra umano siyang kuripot noon

- Tuwing kakain umano sila sa labas kasama ang ilan sa kasamahan niyang artista, hindi siya umo-order ng ibang inumin kundi tubig lang

- Nanghihiram lang din umano siya ng mga gamit na susuotin niya kapag may mga performance sila sa mga shows noon

- Nilinaw niyang sa kasalukuyan ay mas magastos na siya hindi kagaya noon na hindi umano siya nag-iinvest kahit sa kanyang mga gamit

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa bagong vlog episode ni Francine Diaz, nakasama niya at nakausap ang aktres na si Kaye Abad. Habang kumakain ay pinaunlakan nitong sagutin ang mga tanong sa kanya ni Francine.

Kaye Abad, aminadong nanghihiram lang noon ng mga susuotin niya
Kaye Abad with husband Paul Jake Castillo and their son (@kaye_abad)
Source: Instagram

Isa sa naitanong sa kanya ay kung ano umano ang ppinagkaiba ng Kaye noon sa Kaye ngayon. Dito na nakwento ni Kaye kung gaano umano siya ka-kuripot noon.

Read also

Vice Ganda, napa-mura matapos malamang na-prank siya ni Bea Alonzo

Bukod sa hindi siya nanglilibre, tuwing kakain umano sila sa labas kasama ang ilan sa kasamahan niyang artista, hindi siya umo-order ng ibang inumin kundi tubig lang.

Nanghihiram lang din umano siya ng mga gamit na susuotin niya kapag may mga performance sila sa mga shows noon. gayunpaman, nilinaw niyang sa kasalukuyan ay mas magastos na siya hindi kagaya noon na hindi umano siya nag-iinvest kahit sa kanyang mga gamit.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang ilan sa komento ng mga viewers:

Our golden girl, look so happy now. I hope tuloy tuloy lang ang mga blessings na natatanggap mo because you deserve everything and always pretty
Nakakatuwa na makita ulit si Ms. Kaye Abad Ang galing din na artista nito, mapa-bida man or kontrabida.
Wow ang humble namn ni ate Kaye at pretty parin, halos parang mag ka age sila ni ate Chin ganda niyo po godbless

Read also

Bea Alonzo, ginamitan ng pangmalakasang acting ang pagpaprank niya sa mga kaibigan

Si Kaye Abad ay isang aktres na unang nakilala sa mundo ng showbiz bilang isa sa bahagi ng "Ang TV". Nakilala din siya bilang katambal ni John Lloyd Cruz sa seryeng "Tabing Ilog" mula 1999 hanggang 2003.

Ikinasal si Kaye kay Paul Jake Castillo noong December 9, 2016 sa Cebu City. Kamakailan ay naibahagi ng aktres ang balita tungkol sa kanyang pagdadalang-tao sa pangalawang anak nila ni Paul Jake.

Sa naunang ulat, naging usap-usapan ang komento ng kanyang ex-boyfriend na si Chito Miranda sa kanyang Instagram post.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel