Vice Ganda, napa-mura matapos malamang na-prank siya ni Bea Alonzo

Vice Ganda, napa-mura matapos malamang na-prank siya ni Bea Alonzo

- Isa sa tinawagan ni Bea Alonzo sa kanyang prank call ay ang kaibigang si Vice Ganda

- Sinabi niya rito na nababahala umano siya dahil hindi sumasagot si Dominic Roque sa kanya

- Ito ay matapos kunwari ay umayaw siya nang mag-propose si Dominic sa kanya dahil nabigla daw siya

- Napa-mura naman si Vice nang sabihin ni Bea sa kanya na prank lamang ang kanyang pagtawag upang humngi ng advice

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi napigilan ni Vice Ganda na mapamura nang sabihin ni Bea Alonzo na na-prank niya si Vice. Sa kanyang prank, tinawagan ni Bea ang mga kaibigan at isa si Vice Ganda sa mga ito.

Vice Ganda, napa-mura matapos malamang na-prank siya ni Bea Alonzo
Bea Alonzo (@beaalonzo)
Source: Instagram

Sinabi ni Bea na nababahala umano siya dahil hindi sumasagot si Dominic Roque sa kanya matapos kunwari ay umayaw siya nang mag-propose si Dominic sa kanya dahil nabigla daw siya.

Read also

Herlene Budol, 'di pa nagagamit ang mamahaling bag at shoes na bigay sa kanya ni Alex Gonzaga

Aniya, bilang isa sa kaibigan ni Dom, si Vice ang kanyang tinawagan. Pinakalma naman siya ni Vice at sinabing sa pagkakakilala niya kay Dominic ay wala itong gagawing hindi maganda at malamang umano ay nagpapalipas lang ito ng sama ng loob.

Paniwalang-paniwala ito kay Bea dahil nagkunwari pang umiiyak si Bea. kaya naman, napamura ito nang sabihin ni Bea ang kanyang prank.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Maging ang photographer na si Mark Nicdao ay napaniwala din sa acting ni Bea. Ayon kay Bea, pakiramdam niya ay maswerte siya sa kanyang mga mahal sa buhay dahil sa mga pinakitang pag-aalala ng mga ito sa kanya.

Narito ang ilan sa komento ng kanyang viewers:

Natuwa ako kay vice...napakabuti nyang kaibigan sau...ung GUSTO MO PUNTAHAN KITA..ai grabe ang sweet nya and maeffort sa mga friends nya.

Read also

Kaye Abad, aminadong nanghihiram lang noon ng mga susuotin niya

Sarap maging kaibigan ni Vice Ganda namiss ko bonding nila.
Funny BUT, naiyak pa din ako nung si Vice ang pina-prank nya kahit knowing na it was just a prank, haha!

Si Bea Alonzo ay nakilala sa husay niya sa pag-arte. Isa siya sa pinakahinangaang katambal ni John Lloyd Cruz. Ilan sa kanilang blockbuster na pelikula ay One More Chance, Miss You Like Crazy, at A Second Chance.

Matapos nga ang ilang araw na naging maugong ang usap-usapan ng paglipat ni Bea sa GMA-7, kinumpirma ng network ang pagiging isang ganap na Kapuso ng aktres. Nakatanggap si Bea ng mainit na pagtanggap mula sa pamunuan ng nasabing network.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel