Cristy Fermin, sinabing nagpunta ang mag-asawang Toni at Paul kay Willie Revillame

Cristy Fermin, sinabing nagpunta ang mag-asawang Toni at Paul kay Willie Revillame

- Nagkaroon ng mahabang usapan sina Toni Gonzaga at asawa nitong si Paul Soriano kay Willie Revillame

- Naikwento ito ni Cristy Fermin sa kanyang bagong episode ng 'Showbiz Now Na'

- Nabanggit din niya na baka may kaugnayan umano ito sa pamamaalam ni Toni sa Pinoy Big Brother

- May posibilidad na lumipat daw ito sa AMBS, ang network na pagmamay-ari ng mga Villar at pamumunuan naman ni Willie Revillame

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Naikwento ni Cristy Fermin ang umano'y pagsadya nina Toni Gonzaga at Paul Soriano kay Willie Revillame sa opisina nito sa Wil Tower.

Nalaman ng KAMI na naging mahaba ang masinsinang usapan ng tatlo ayon sa latest chika nina Cristy, Romel Chika at Morly Alinio sa bagong episode ng kanilang 'Showbiz Now Na.'

Cristy Fermin, sinabing nagpunta ang mag-asawang Toni at Paul kay Willie Revillame
Cristy Fermin, sinabing nagpunta ang mag-asawang Toni at Paul kay Willie Revillame (Showbiz Now Na!)
Source: Original

"Hindi kaya ang Toni Talks, ilipat sa Wil network," unang posibleng dahilan na naibigay ni Cristy.

Read also

Donny Pangilinan, naging PA at driver ni Belo for a day; nakatanggap ng bonggang regalo

"Baka eto na 'yung sinasabi nating siya na ang susunod na Charo Santos ng AMBS," segunda naman ni Romel Chika.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"'Hindi kaya si Toni, dahil nagpaalam na siya sa PBB 'di ba, baka doon na kay Willie siya sa AMBS," dagdag pa muli ni Cristy.

Makulit din nilang napag-usapan ang posibleng maging pangalan ng show ni Toni sakaling totoo ang paglipat 'di umano nito sa AMBS na pagmama-ari ni Manny Villar at pamamahalaan naman umano ni Willie Revillame.

Narito ang kabuuan ng chikahan nina Cristy, Romel at Morly mula sa YouTube channel nila na 'Showbiz Now Na!'

Si Celestine Cruz Gonzaga-Soriano, o mas kilala bilang si Toni Gonzaga, ay isang kilalang Filipina singer, television host, actress, producer at entrepreneur. Siya ang panganay na kapatid ng isa rin sa kilalang aktres, TV host at vlogger na si Alex Gonzaga.

Read also

Paolo at Yen, 'HHWW' sa isang mall sa kabila umano ng balitang hiwalay na sila

Isa rin siya sa mga kilalang YouTube content creator kung saan na-interview niya ang ilang mga kilalang personalidad sa bansa kabilang na ang ilan sa mga matutunog na presidentiables para sa darating na eleksyon na sina Mayor Isko Moreno, Senator Manny Pacquiao, Vice President Leni Robredo at si Bongbong Marcos na kanya umanong sinusuportahan.

Kamakailan ay pinasalamatan niya lahat ng kanyang mga supporters gayung umabot na sa 7 million ang Instagram followers niya habang pumalo na sa limang milyon ang YouTube subscribers niya.

Kasunod nito ay ang pag-anunsyo ni Toni ang kanyang paglisan bilang main host ng Pinoy Big Brother na naging programa niya sa loob ng 16 na taon.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel