Donny Pangilinan, naging PA at driver ni Belo for a day; nakatanggap ng bonggang regalo

Donny Pangilinan, naging PA at driver ni Belo for a day; nakatanggap ng bonggang regalo

- Guest ni Dr. Vicki Belo sa kanyang YouTube channel ang aktor na si Donny Pangilinan

- Naging Personal Assistant at driver ni Dra. Belo si Donny sa loob ng isang araw

- Nag-enjoy naman ang aktor na maglinis ng kotse, mag-drive, sundin ang mga utos ni Dra. Belo at maging ang pagpili ng mga isusuot na damit ng celebrity doctor

- Ang hindi alam ni Donny, siya pala ang ipinamimili ng mga bonggang regalo ni Dra. Belo

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Donny Pangilinan ang naging guest ng celebrity doctor na si Vicki Belo sa kanyang YouTube channel.

Nalaman ng KAMI na naging personal assistant at driver ni Dra. Belo si Donny sa kanyang pinakabagong video.

Donny Pangilinan, naging PA at driver ni Belo for a day; nakatanggap ng bonggang regalo
Donny Pangilinan, naging PA at driver ni Belo for a day; nakatanggap ng bonggang regalo (Dr. Vicki Belo)
Source: Facebook

Game na game na naglinis ng kotse at nag-drive para kay Dra. Belo ang 'He's Into Her' actor.

Read also

Bimby, namangha sa dami ng tao sa 'Tarlac is Pink' campaign rally nina VP Leni Robredo

Bilang personal assistant, si Donny din ang namili ng mga isusuot ni Dra. Vicki sa araw na iyon at gumawa ng mga ipinag-uutos nito tulad ng pamimili ng mga panregalo.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Unang dinaanan ni Donny ang mga relo ni Dra. Vicki at sumunod naman niyang ginawa ang pamimili ng ireregalo ni Dra. Belo kay Jinkee Pacquiao.

Samantala, nagkunawari naman ang celebrity doctor na magpapabili rin ito ng ipanreregalo sa mister nitong si Hayden Kho.

Iyon pala, si Donny na ang binibilhan talaga niya ng bonggang regalo.

Narito ang kabuuan ng video mula sa Dr. Vicki Belo YouTube channel:

Si Donato Antonio "Donny" Laxa Pangilinan ay isa sa mga kinikilalang mahuhusay na bagong aktor sa bansa. Bukod dito, isa rin siyang model, singer at VJ. Anak siya nina Anthony Pangilinan at aktres na si Maricel Laxa.

Read also

Kris Aquino, present sa 'Tarlac is Pink' Campaign rally sa kabila ng karamdaman

Nakilala si Donny sa pagganap nila ni Belle Mariano sa hit series na 'He's Into her' na nababalita nang magkakaroon ng Season 2. Tumabo rin sa takilya ang pinakahuling pelikula nila na 'Love is color blind.'

Si Donny ay pamangkin ni Senator Kiko Pangilinan gayung kapatid nito ang kanyang ama na si Anthony Pangilinan.

Kamakailan, ay sumama ito sa Campaign rally ng kanyang 'Uncle Ninong' sa Pasig City. Sa panggigil ng isang fan at supporter sa kanya, nakurot siya nito nang sila ay dumaan.

Bukod kay Donny, ilan sa mga kaanak at mahal sa buhay ni Senator Kiko na sumasama sa kanyang kampanya ay ang misis na si Megastar Sharon Cuneta at Gab Valenciano na anak naman ng kapatid niyang si Angeli at ni Mister Pure Energy, Gary Valenciano.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel