Toni Fowler, itinangging binayaran niya ang award na natanggap

Toni Fowler, itinangging binayaran niya ang award na natanggap

- Kahit nahihilo pa, minabuti ni Toni Fowler na magsalita kaugnay sa isyu na binayaran ng mga influencers ang kanilang award sa katatapos lang naganap na awarding event

- Aniya, kaya siya hindi kaagad nag-react kaugnay dito ay dahil hindi naman siya nasaktan kaugnay dito

- Hindi umano niya binayaran ang kanyang award at alam niyang deserve umano niya ang natanggap na award

- Aminado siyang nagbayad siya ngunit ito ay para sa pamilya niya na kanyang sinama sa nasabing event

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa isang TikTok video, mariing itinanggi ni Toni Fowler na binayaran niya ang natanggap na award sa isang awarding event kamakailan para sa mga YouTubers at social media influencers. Aniya, kaya siya hindi kaagad nagsalita kaugnay dito ay dahil hindi naman siya nasaktan at apektado.

Toni Fowler, itinangging binayaran niya ang award na natanggap
Toni Fowler (@tonifowlerpo)
Source: Instagram

Sinabi niya rin na ang kanyang binayaran sa naturang event ay ang para sa pagkain ng kanyang pamilya na isinama niya.

Read also

Buboy Villar, nalungkot sa pagkakawalay sa kanyang bunsong anak

Matatandaang maraming mga social media personalities ang nagsalita kaugnay sa inilabas na pahayag ni Madam Kilay kaugnay sa award na aniya ay kailangan pang bayaran. Aniya, hindi niya tinanggap ang alok sa kanya dahil para sa kanya ay kung deserve niya ang isang award ay hindi niya ito kailangang bayaran.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nilinaw din niyang hindi niya pinapatamaan ang mga YouTubers at mga influencers sa kanyang post kundi ang mga organizers. Aniya, nabudol umano ng mga organizers ang mga influencers dahil bukod sa perang binayad nila, napromote pa ng mga ito ang social media pages ng organizers.

Si Toni Fowler ay nakilala sa social media at bilang isang YouTuber matapos niyang masangkot sa eskandalo kaugnay sa paghihiwalay nina ng aktres at social media star na si Jelai Andres at sa asawa nitong Jon Gutierrez. Sa kabila ng kontrobersiya ay marami ang sumuporta kay Toni at ang naging karelasyon nitong si Rob Moya.

Read also

Cristy Fermin, sinabing pera ang dahilan ng hiwalayang Tom Rodriguez at Carla Abellana

Kamakailan nga ay agad na nag-viral ang post ni Toni Fowler kung saan pinasalamatan niya si Tito Vince dahil palagi itong nasa tabi niya kahit hanggang magkaibigan lang umano sila.

Naging usap-usapan din ang pagtulong niya sa preparasyon para sa proposal ng kanyang dating karelasyon na si Rob Moya sa bago nitong girlfriend. Gayunpaman, nagkahiwalay din sila.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel