Ogie Diaz, diretsahang tinanong si Paolo Contis; "Kayo pa ba o wala na kayo?"

Ogie Diaz, diretsahang tinanong si Paolo Contis; "Kayo pa ba o wala na kayo?"

- Diretsang naitanong ni Ogie Diaz si Paolo Contis tungkol sa estado ng relasyon umano nila ni Yen Santos

- Nasabi ni Mama Loi sa kanilang Showbiz Update na may bali-balitang wala na umano ang mga bida ng 'A Faraway Land'

- Subalit ang unang itinanong ni Mama Loi ay kung may inamin ba ang dalawa tungkol sa naging estado ng kanilang relasyon

- Gayunpaman, mas mainam na mismong kina Yen at Paolo manggaling ang anumang kumpirmasyon ng mga balitang naiuugnay sa kanila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isa sa mga napag-usapan nina Ogie Diaz, Mama Loi at Dyosa Pockoh sa kanilang pinakabagong Showbiz Update ay tungkol umano sa estado ng relasyon nina Paolo Contis at Yen Santos.

Ogie Diaz, diretsahang tinanong si Paolo Contis; "Kayo pa ba o wala na kayo?"
Ogie Diaz, diretsahang tinanong si Paolo Contis; "Kayo pa ba o wala na kayo?" (Ogie Diaz Showbiz Update)
Source: Facebook

Napapabalita raw umano na hiwalay na ang dalawa base sa mga chikang nasagap ni Mama Loi.

Read also

Mayor Sara Duterte, desidido nang hindi dadalo sa mga Vice Presidential debates

Kaya naman pinatanong niya ito kay Ogie D kung totoo ba ang nababalita.

"Paolo ikaw na sumagot, kayo pa ba o wala na kayo," tanong ni Ogie D.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Subalit naitnong din naman ni Mama Loi kung may inamin na ba ang dalawa maliban sa "as a friend" statement na naging viral noon.

Gayunpaman, nabanggit din ni Ogie D na hintayin na lamang ang anumang pahayag ni Paolo kaugnay ng issue na hanggang ngayon ay hindi pa rin nasasagot ni Yen Santos.

Narito ang kabuuan ng video mula sa Ogie Diaz Showbiz Update:

Si Ogie Diaz o Roger Diaz Pandaan sa tunay na buhay ay isang komedyante, aktor at respetadong showbiz reporter.

Sa ngayon, pinakakaabangan ng marami ang mga video sa kanyang mga YouTube channels na "Ogie Diaz" at "Ogie Diaz Showbiz Updates" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at iba pang kilalang personalidad.

Read also

Ellen Adarna, naka-IUD kaya hindi pa nabubuntis ayon kay Cristy Fermin

Kamakailan, nag-trending ang pagho-host ni Ogie D ng "Leni-Kiko" tandem sa Iloilo.

Tinatayang mahigit 25,000 na katao ang umano'y nakadalo sa campaign rally ng Leni-Kiko tandem. Una na rin silang pumunta sa Cebu bago ang kanilang kampanya sa Iloilo.

Gayundin ang pagho-host ni Ogie D sa campaign rally ng mga Kakampink sa Bulacan na dinaluhan naman ng nasa 45,000 na supporters ng grupo nina "Leni at Kiko."

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel