Ellen Adarna, naka-IUD kaya hindi pa nabubuntis ayon kay Cristy Fermin

Ellen Adarna, naka-IUD kaya hindi pa nabubuntis ayon kay Cristy Fermin

- Ayon kay Cristy Fermin, kaya hindi pa nabubuntis si Ellen Adarna ay dahil naka-IUD ito

- Si Derek Ramsay umano mismo ang nagsabi nito matapos siyang matanong kung bakit hindi pa rin nabubuntis si Ellen

- Sa susunod na taon umano ay ipatatanggal na ni Ellen ang kanyang Intra Uterine Device para magkaroon na sila ng baby ni Derek

- Puring-puri naman nila sina Ellen at Derek dahil sa pagiging responsable nilang magulang kay Elias Modesto

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Mismong si Derek Ramsay umano ang nagsabing kaya hindi pa nabubuntis si Ellen Adarna ay dahil naka-Intra Uterine Device ito o IUD. Sa susunod na taon umano ay gusto na nilang magkaroon ng baby kaya balak nilang ipatanggal ang IUD ni Ellen.

Ellen Adarna, naka-IUD kaya hindi pa nabubuntis ayon kay Cristy Fermin
Ellen Adarna, Derek Ramsay at Elias Modesto (@maria.elena.adarna)
Source: Instagram

Napatanong pa si Cristy kung ang IUD kaya ay pinalagay ni Ellen noong sila pa ni John Lloyd o noong sila na ni Derek ang magkarelasyon.

Read also

Cristy Fermin sa hiwalayan ng Donekla; "Sinayang nila 'yung pagkakataon"

Puring-puri din nila Cristy at ng kanyang kasamahan sa programang Showbiz Now Na! ang mag-asawa dahil sa pagiging responsableng mga magulang nga mga ito.

Kung tutuusin umano ay kayang-kaya nilang magkaroon ng maraming anak dahil sa anats ng kanilang pamumuhay.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Parehas sila Derek at Ellen na kilalang nagmula sa pamilyang may kaya sa buhay. Matatandaang kamakailan lang ay tumulak na sa ibang bansa ang mag-asawa kasama ang anak nila Ellen at John Lloyd na si Elias.

Pumunta sila sa Africa para sa kanilang honeymoon matapos ang kanilang pagpapakasal noong nakaraang taon.

Si Derek Ramsay ay isa sa mga pinakahinahangaang leading man sa bansa. Bumida siya sa ilang mga pelikula kagaya na lamang ng No Other Woman at English Only, Please.

Kamakailan ay naging usap-usapan ang naging pahayag ni Derek tungkol sa ex-boyfriend ni Ellen na si John Lloyd Cruz na siya ring ama ng unico hijo ni Ellen na si Elias.

Read also

Cristy Fermin, naikwento ang reaksyon ng lola ni Jake Zyrus sa bagong larawan nito

Sa kabila ng pagiging masaya ng buhay-pag-ibig ng aktor, marami pa rin ang nambabatikos sa kanila ni Ellen. Gayunpaman, hindi ito inaatrasan ng dalawa at maraming beses na silang sumasagot sa mga bashers nila.

Malimit ding kinagiliwan ng mga netizens ang pagiging malapit ng anak ni Ellen sa kanyang Tito Derek.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel