Cristy Fermin sa hiwalayan ng Donekla; "Sinayang nila 'yung pagkakataon"

Cristy Fermin sa hiwalayan ng Donekla; "Sinayang nila 'yung pagkakataon"

- Isa sa mga napag-usapan sa Showbiz Now Na ni Cristy Fermin ang umano'y paghihiwalay ng 'Donekla in Tandem'

- Nanghihinayang umano sila nina Romel Chika at Morly Alinio sa narating na ng channel ng dalawa

- Subalit nakarating umano sa kanila ang iba pa umanong malalalim na problema ng magka-tandem bukod pa sa mga nabanggit nila noon sa huling YouTube live nila na magkasama

- Nabanggit din nila maging noon pa man, sa panahong nasa 'Wowowin' pa ang dalawa, tila may problema na si Super Tekla

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nanghihinayang umano sina Cristy Fermin, Romel Chika at Morly Alinio sa sinapit ng 'Donekla in Tandem' na binubuo nina Super Tekla at Donita Nose.

Cristy Fermin, nanghihinayang sa paghihiwalay ng Donekla; "Sinayang nila 'yung pagkakataon"
Cristy Fermin, nanghihinayang sa paghihiwalay ng Donekla; "Sinayang nila 'yung pagkakataon"
Source: Facebook

Matatandaang kamakailan lamang ay nag-live ang dalawa sa kanilang YouTube channel para magpaalam sa kanilang subscibers.

Dahil dito, marami ang nanghinayang sa naipundar ng dalawa na mahigit tatlong milyong subscribers sa loob ng isang taon.

Read also

Cristy Fermin, naikwento ang reaksyon ng lola ni Jake Zyrus sa bagong larawan nito

Ayon kay Romel, ikalawang beses na ito na nagkahiwalay ang magka-tandem. Muli lamang nagkasama ang dalawa nang magkasundo silang magkaroon ng YouTube channel.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Komento naman ni Cristy, malaking bagay umano ang pagtulong ni Donita kay Tekla na noo'y nasa kalagitnaan ng kaguluhang sinimulan ng dati nitong partner na si Michelle Banaag.

"Pero tanggapin natin ang katotohanan, hindi makakaalpas si Super Tekla sa dati niyang problema kung hindi dahil kay Donita Nose."

Subalit, segunda naman ni Romel, dahil umano kay Tekla kay 'umalagwa' ang YouTube channel ng magka-tandem.

Dagdag pa ni Romel, naikwento ni Super Tekla na kapag nagbibigay ito ng suhestyon hindi umano ito pinakikinggan ni Donita.

Napansin din umano ni Cristy na tila may binalikan umano si Tekla na dati nitong gawi base sa itsura nito sa huling live video nila ni Donita.

Read also

Ogie Diaz sa sunod-sunod na project ni Gerald Anderson: "Sino tayo para kumuwestiyon?"

"Parang iba 'yung itsura. Parang may binalikan siyang nakaraan, parang mayroon siyang binalikan na dati niyang kinagiliwan," puna ni Cristy.

Nakarating din umano kay Cristy ang komento ni Tekla kay Donita ayon sa mga kaibigan ng mga ito.

"Saka sabi daw ni Tekla sa mga kaibigan niya, sobrang bossy daw at talakera itong si Donita Nose,"

Narito ang kabuuan ng kanilang chikahan na mula sa Showbiz Now Na YouTube channel:

Ang 'Donekla in Tandem' ay binubuo ng mga komedyanteng sina Donita Nose at Super Tekla. Matatandaang nagkasama ang dalawa sa programang 'Wowowin' ni Willie Revillame kung saan pumatok ang kanilang pagpapatawa.

Kasalukuyan na silang mayroong 3.19 million subscribers sa kanilang YouTube channel kung saan marami silang mga napapatawa, napapaiyak at nai-inspire din sa mga video na kanilang naibabahagi linggo-linggo noon.

Subalit noong January 30, inakala ng lahat na prank lamang ang post nina Tekla at Donita sa kanilang social media kung saan una nilang inanunsyong hiwalay na ang kanilang tandem.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel