Ogie Diaz, naikwento ang pagiging good influence ni Herbert sa pag-aaral ni Ruffa

Ogie Diaz, naikwento ang pagiging good influence ni Herbert sa pag-aaral ni Ruffa

- Nabanggit ni Ogie Diaz kasama sina Mama Loi at Ate Mrena sa kanilang Showbiz Update ang tungkol sa pag-aaral ni Ruffa Gutierrez

- Kamakailan ay napabalitang wala sa 'It's Showtime' si Ruffa dahil busy pala ito sa kanyang pag-aaral

- Ayon kina Ogie D, tila magandang impluwensiya si Herbert Bautista kay Ruffa na sa edad na 47 ay magtatapos na ng kolehiyo

- Gayunpaman, wala pa ring kumpirmasyon mismo sina Herbert at Ruffa kaugnay sa estado ng kanilang relasyon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isa sa mga napag-usapan sa pinakabagong Showbiz Update nina Ogie Diaz, Mama Loi at Ate Mrena ay ang pag-aaral umano ni Ruffa Gutierrez.

Matatandaang kamakailan ay wala si Ruffa sa It's Showtime na naging busy umano ito sa kanyang mga homework.

Ogie Diaz, naikwento kung paano naging good influence si Herbert sa pag-aaral ni Ruffa
Ogie Diaz, naikwento kung paano naging good influence si Herbert sa pag-aaral ni Ruffa (Ogie Diaz Showbiz Update)
Source: Facebook

"Nagpa-practicum na pala kasi graduating na," masayang nabanggit ni Mama Loi.

Read also

Juliana Parizcova, pinabulaanan na dinedma siya ni Vice Ganda Sa MIQ Philippines

Nabanggit din ni Mama Loi na isa umanong "special someone" ni Ruffa ang nag-push umano dito na ipagpatuloy ang pag-aarala na bigla namang nabanggit ni Ate Mrena na "Ah si Herbert Bautista."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"My lips are sealed sometimes," natatawang sabi naman ni Ogie D na agad din naman naikwento na gusto umano ni Annabelle Rama si Herbert.

Naikwento ni Mama Loi na nagpupunta pa umano si Herbert sa bahay nina Ruffa para tulungan ito sa pag-aaral.

"Kaya naman pino-promote na rin ni Ruffa at ni Tita Annabelle si Herbert bilang senador," ani Ogie D.

"Ano namang masama kung mayroong relasyon sina Ruffa at Herbert Bautista?" dagdag niya.

"Ang mahalaga naging maganda ang epekto nun kay Ruffa" dagdag naman ni Mama Loi.

Narito ang kabuuan ng kanilang pahayag na mapapanood sa Ogie Diaz Showbiz Update:

Read also

Ogie Diaz sa sunod-sunod na project ni Gerald Anderson: "Sino tayo para kumuwestiyon?"

Si Ogie Diaz o Roger Diaz Pandaan sa tunay na buhay ay isang komedyante, aktor at respetadong showbiz reporter.

Sa ngayon, pinakakaabangan ng marami ang mga video sa kanyang mga YouTube channels na "Ogie Diaz" at "Ogie Diaz Showbiz Updates" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at iba pang kilalang personalidad.

Kamakailan, nag-trending ang pagho-host ni Ogie D ng "Leni-Kiko" tandem sa Iloilo.

Tinatayang mahigit 25,000 na katao ang umano'y nakadalo sa campaign rally ng Leni-Kiko tandem. Una na rin silang pumunta sa Cebu bago ang kanilang kampanya sa Iloilo.

Gayundin ang pagho-host ni Ogie D sa campaign rally ng mga Kakampink sa Bulacan na dinaluhan naman ng nasa 45,000 na supporters ng grupo nina "Leni at Kiko."

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel