Toni Fowler, pumalag sa komentong mas maganda siya dati kesa sa kasalukuyan

Toni Fowler, pumalag sa komentong mas maganda siya dati kesa sa kasalukuyan

- Sa isang tweet, ibinahagi ni Toni Fowler ang kanyang kasalukuyang pictures matapos ang kanyang pagpaparetoke kamakailan

- Ito ang kanyang sagot sa mga bashers at netizens na nagsasabing mas maganda umano siya noon kesa sa kasalukuyan niyang mukha

- Matatandaang umani ng samu't-saring reaksiyon ang pagpaparetoke kamakalan ni Toni kung saan pinabago niya ang hugis ng kanyang mata at bibig

- Aniya, sana ay maging masaya na lang para sa kanya ang mga tao dahil siya ay masaya sa kinalabasan ng kanyang pagpaparetoke

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa kanyang Twitter account, ibinahagi ni Toni Fowler ang kanyang recent picture bilang tugon sa mga komentong mas maganda siya noon kesa ngayon. Ang tinutukoy ng ilang netizens ay ang kanyang mukha matapos niyang sumailalim sa ilang pagpaparetoke kabilang na sa kanyang mata at pagpapalagay niya ng lip fillers.

Read also

Toni Fowler, binuweltahan ang mga netizens na pumuna sa kanyang pagpaparetoke

Toni Fowler, pumalag sa komentong mas maganda siya dati kesa sa kasalukuyan
Toni Fowler (@tonifowlerpo)
Source: Instagram

Kahit noong bago pa lamang si Toni sa paggawa ng YouTube vidoes, hindi nito ikinaila na nagpaparetoke siya. Sa katunayan ay mayroon siyang vlog episode kung saan tinalakay niya kung magkano ang kanyang nagastos sa pagpaparetoke.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

may mga followers naman siyang natuwa sa kanyang pagiging prangka at tapat sa kanyang mga tagahanga. gayunpaman, mayroong mga nambatikos sa kanya kamakailan matapos ang kanyang pagpaparetoke sa kanyang mata dahil sumobra na umano ang pagpaparetoke nito.

Para naman kay Toni, naniniwala siyang dapat umano niyang gawin ang mga bagay na makapagpapasaya sa kanya at walang ibang tao na dapat magdikta sa kung ano ang dapat niyang gawin. Hiniling niya rin na maging masaya na lang sana para sa kanya ang kanyang mga tagahanga dahil masaya siya sa kanyang ginagawa.

Read also

Carlo Aquino, nagbahagi ng picture niya kasama ang kanyang anak

Si Toni Fowler ay nakilala sa social media at bilang isang YouTuber matapos niyang masangkot sa eskandalo kaugnay sa paghihiwalay nina ng aktres at social media star na si Jelai Andres at sa asawa nitong Jon Gutierrez. Sa kabila ng kontrobersiya ay marami ang sumuporta kay Toni at ang naging karelasyon nitong si Rob Moya.

Kamakailan nga ay agad na nag-viral ang post ni Toni Fowler kung saan pinasalamatan niya si Tito Vince dahil palagi itong nasa tabi niya kahit hanggang magkaibigan lang umano sila.

Naging usap-usapan din ang pagtulong niya sa preparasyon para sa proposal ng kanyang dating karelasyon na si Rob Moya sa bago nitong girlfriend. Gayunpaman, nagkahiwalay din sila.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel