Toni Fowler, binuweltahan ang mga netizens na pumuna sa kanyang pagpaparetoke

Toni Fowler, binuweltahan ang mga netizens na pumuna sa kanyang pagpaparetoke

- Matapos ang mga reaksiyong kanyang ntanggap kaugnay sa kanyang pagpaparetoke, isang mensahe ang ibinahagi ni Toni Fowler sa kanyang Twitter account

- Aniya, ayos lang kahit retokada siya basta hindi umano siya kagaya ng iba na palamunin pa rin ng mga magulang nila

- Matatandaang kamakailan lang ay ibinahagi ni Toni ang kanyang fox eye procedure at ang kanyang pagpapalagay ng lip fillers

- Isa lamang si Toni sa mga social media personalities na hayagang binabahagi ang kanilang pagpaparetoke

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Muli ay hindi pinalampas ni Toni Fowler ang mga negatibong komento sa kanya kaugnay sa kanyang pagpaparetoke. Aniya, kahit retokada siya ay hindi naman siya palamunin ng nanay niya kagaya ng ibang tao.

Toni Fowler, binuweltahan ang mga netizens na pumuna sa kanyang pagpaparetoke
Toni Fowler (@tonifowlerpo)
Source: Instagram

Sa kanyang tweet, aniya ay okay lang tawagin siyang retokada basta hindi "palamunin."

Retokada daw ako. Ok lang atleast di ako tulad mo PALAMUNIN PADIN SA BAHAY NG NANAY MO.

Read also

VP Leni Robredo, pinasalamatan ang nasa 40,000 na Bulakenyo sa kanyang campaign rally

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Marami naman sa kanyang mga followers ang tuloy pa rin ang suporta sa kabila ng pambabatikos ng ibang tao.

Natatawa ko sa dami ng ineexplain ni Otits dahil sa mga kuda ng bashers niya lately No need to explain lodss mas madaming nagmamahal sayo
Binalikan ko mga tweets mo nung d kapa totally okay, then look at you. Now!!! Sobrang appreciated kana ng taong d ka iniwan from the very beginning!
mic drop! ako kahit halos lahat sau mommy ay retoke mas matatanggap po kita dahil sobrang bait mopo loyalty ko po ay palaging nasaiyo hindi mo man po ako ma pansin pero alam ko sa sarili ko po mahal na mahal po kita lalo na c otits at buong toro fam we love you po

Read also

Madam Kilay, sinabing ayaw niyang magpa-budol sa mga nagbibigay ng awards

Si Toni Fowler ay nakilala sa social media at bilang isang YouTuber matapos niyang masangkot sa eskandalo kaugnay sa paghihiwalay nina ng aktres at social media star na si Jelai Andres at sa asawa nitong Jon Gutierrez. Sa kabila ng kontrobersiya ay marami ang sumuporta kay Toni at ang naging karelasyon nitong si Rob Moya.

Kamakailan nga ay agad na nag-viral ang post ni Toni Fowler kung saan pinasalamatan niya si Tito Vince dahil palagi itong nasa tabi niya kahit hanggang magkaibigan lang umano sila.

Naging usap-usapan din ang pagtulong niya sa preparasyon para sa proposal ng kanyang dating karelasyon na si Rob Moya sa bago nitong girlfriend. Gayunpaman, nagkahiwalay din sila.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel