Madam Kilay, sinabing ayaw niyang magpa-budol sa mga nagbibigay ng awards

Madam Kilay, sinabing ayaw niyang magpa-budol sa mga nagbibigay ng awards

- Sa kanyang Facebook post, sinagot ni madam Kilay ang tanong kung bakit umano wala siya sa awarding para sa mga YouTuber at influencers

- Maging umano sa kanyang produkto ay may nag-alok din sa kanya at sa kanyang produkto para sa mga awards

- Gayunpaman, hindi umano niya tinanggap dahil aniya ay may bayad ang mga iyon at ayaw niya umano magpa-budol

- Bukod sa pagiging Youtuber, may sarili ding produktong binebenta si madam Kilay kagaya ng slimming coffee at ang kanyang skin care products

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa kanyang Facebook post, ibinahagi ni Madam Kilay ang kanyang sagot sa mga tanong kung bakit wala umano siya at ang kanyang produkto sa mga ginawaran ng awards. Ito ay matapos ganapin ang isang award-giving event kamakailan para sa mga YouTubers at influencers.

Madam Kilay, sinabing ayaw niyang magpa-budol sa mga nagbibigay ng awards
Madam Kilay (@madamkilay)
Source: Instagram

Ayon kay madam Kilay, may mga nag-offer din umano sa kanya ng ganoong mga awards ngunit kapalit nun ay magbabayad umano sila. Aniya, hindi siya magpapa-budol sa ganoon dahil mas gugustuhin niyang mag-focus na lamang sa kanyang produkto.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sagot ko: marami po nag alok sakin ng award na kesyo Top si slimming-K and Madam Kilay for best influncer. Hindi ko po tinanggap ang award dahil May BAYAD ano un bbgyan ka ng award Pero mag babayad ka kung gusto mo umakyat ng stage and my photos mo SA screen. May mga package Kang pag pipilian KALOKA! Aakyat SA stage to get your trophy at mag salita P200K ??! pinaka mababa na P70K!! Hindi ako mag PAPABUDOL SA GNYAN! Kahit May pera ka pa mag focus ka SA quality ng product mo and alagaan mo!

Gayunpaman, naintindihan niya umano ito dahil hindi naman basta-basta ang venue ng awards ceremony.

Aniya pa, kahit walang award ang kanyang product ay lumalaban naman daw ito pagdating sa sales.

Si Madam Kilay o Jinky Anderson ay unang sumikat sa Facebook sa kanyang ibinahaging mga kilay tutorial. Ibinahagi niya rin ang kanyang buhay bilang asawa ng isang Afam. Gayunpaman, kinalaunan ay ibinahagi niyang nagkahiwalay sila ng unang asawa hanggang sa makilala niya ang kasalukuyang boyfriend niya na si Michael.

Kahit kasalukuyang nasa Amerika, marami sa kanyang mga tagasuporta sa Pilipinas ang nasusubaybayan ang mga pangyayari sa kanya. Kamakailan ay ibinahagi ni Madam Kilay ang tungkol sa pagreklamo ng kanyang kapitbahay sa kanila ng boyfriend niyang si Michael.

Ibinahagi niya rin ang video kung saan nabagsak niya ang isang mamahaling camera.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel