Mylene Dizon, dumalo sa campaign rally ni Leni Robredo sa Cavite; "Ayun ako o!"
- Isa ang aktres na si Mylene Dizon sa mga nagpakita ng suporta kay presidential aspirant Leni Robredo
- Bahagi siya ng naging campaign rally ng grupo ni Robredo sa Cavite
- Kasama rin ni Mylene si Jason Webb at nakabati rin sila sa mga kapwa nila Kakampink kasama si Ogie Diaz na siyang naging host ng programa
- Napa-reply din si Mylene sa tweet ni Agot Isidro na nagpapakita ng dami ng tao na pawang mga supporters ng grupo ni Robredo
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Isa rin ang aktres na si Mylene Dizon sa mga hayagang nagpakita ng suporta kay Vice President Leni Robredo.
Nalaman ng KAMI na kasama ni Mylene Dizon ay si Jason Webb na nagpaunlak din sa entablado ng campaign rally sa Cavite kung saan sina Ogie Diaz at Mama Loi ang mga host.
Katunayan sa tweet ni Agot Isidro na nagpapakita ng dami ng dumagsang tao sa nasabing pagtitipon, nag-reply si Mylene ng "Ayun ako o!" gayung naroon talaga siya at nakiisa sa kampanya ng sinusuportahan niya sa pagka-pangulo.
Sa isang tweet din ni Mylene, nagpakita siya ng paghanga kay VP Leni base na rin sa mga nasabi nito sa mga dinaluhang debate at presidential interviews.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si Leni Robredo ay ang kasalukuyang Bise Presidente ng Pilipinas. Siya ay ang misis ng namayapa na si Jesse Robredo at nabiyayaan sila ng tatlong anak na babae na sina Aika, Tricia, at Jillian.
Oktubre 7 noong 2021 nang inanunsyo ni Robredo ang kanyang pagtakbo bilang Pangulo ng Pilipinas sa darating na Eleksyon sa Mayo ngayong 2022. Si Senator Kiko Pangilinan naman ang kanyang running mate na tatakbo bilang bise presidente.
Kamakailan, taos-pusong pinasalamatan din ni VP Leni ang lahat ng mga nakiisa at dumalo sa 'Pink Sunday Rally' para sa kanya na ginanap sa Quezon City Memorial Circle isang araw bago ang Araw ng mga Puso.
Samantala, nag-trending din ang pagiging host ni Ogie Diaz ng grand rally ng mga 'Kakampink' sa Iloilo kamakailan. Naging kontrobersyal ang mga nasabi ni Ogie at isa na rito ay ang nabanggit niyang wala umano silang tinanggap na bayad para sa naturang kaganapan na dinaluhan ng libo-libong katao noong Pebrero 25.
Ilan din sa kilalang personalidad na naroon sa Iloilo bilang pagsuporta sa kandidatura ni Leni Robredo ay sina Cherry Pie Picache, Edu Manzano, Lara Quigaman, JK Labajo at Eli Buendia.
Source: KAMI.com.gh