Kim Chiu, hindi napigilang maiyak matapos ang performance ng mga TNT contestants

Kim Chiu, hindi napigilang maiyak matapos ang performance ng mga TNT contestants

- Matapos ang madamdaming performance ng dalawang Tawag ng Tanghalan Contestant, marami sa mga It's Showtime hosts ang naapektuhan

- Sa katunayan, si Kim Chiu ay nakuhanan pa ng camera na nagpupunas ng kanyang luha matapos ang pagkanta ng dalawang kalahok

- Puring-puri naman ng mga host ang dalawang kalahok na nakapagbigay ng emosyon sa kanilang awitin

- Ang Tawag ng Tanghalan ay isa lamang sa segment sa It's Showtime kung saan nagtatagisan sa pagkanta ang mga kalahok

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi napigilang maiyak ni Kim Chiu matapos ang madamdaming performance ng dalawang Tawag ng tanghalan contestants. Sa katunayan ay naaktuhan pa itong nagpunas ng kanyang luha matapos ang pagkanta ng dalawa.

Anne Curtis, binahagi ang video ng anak na nilalaro ang mga alagang manok ni Angel
Kim Chiu (@chinitaprincess)
Source: Instagram

Maging ang iba pang mga hosts ay aminadong naapektuhan sa madamdaming pagkanta ng dalawang kalahok.

Ang Tawag ng Tanghalan o TNT ay isang patimpalak sa pagkanta na napapanood sa noontime show na It's ShowTime. Sa kabuuan, pito na ang tinanghal na kampyon sa nasabing singing contest na nagsimula noong January 2, 2016.

Read also

VP Leni Robredo, pinasalamatan ang nasa 40,000 na Bulakenyo sa kanyang campaign rally

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ang mga tinanghal na kampyon ay sina Noven Belleza, Jhon Clyd Talili, Janine Berdin, Elaine Duran, Ethel Booba, Mark Michael Garcia, at JM Yosures.

Matatandaang hindi rin napigilan ni Kim Chiu na maiyak nang makausap niya ang isang Tawag ng Tanghalan contestant na si Kaloy Villamer noong kakapasara pa lamang ng ABS-CBN matapos mabasura ang franchise renewal nito na naging sanhi ng pagkawala ng trabaho sa libo-libo nitong mga trabahador.

Bago pa man sumabak sa entablado ng TNT, naging kontrobersiyal na ang nasabing contestant matapos maungkat ng mga netizens ang dati niyang post sa social media na nagpapakita ng kanyang pagsuporta sa pagpapasara ng TV network.

Si Kim Chiu ay unang nakilala sa mundo ng showbiz matapos siyang tanghalin bilang big winner sa kauna-unahang Pinoy Big Brother: Teen Edition. Bukod sa kanyang husay sa pag-arte, nagkaroon din siya ng maraming proyekto dahil sa husay niya sa hosting at pagsayaw.

Read also

Carlo Aquino, nagbahagi ng picture niya kasama ang kanyang anak

Kamakailan ay pinasilip ni Kim Chiu ang kanyang sosyaling boots collection na kanyang nabili mula sa kanyang kita mula sa kanyang pag-aartista.

Naging viral din ang picture ni Kim kasama ang kanyang boyfriend na si Xian Lim na kuha mula sa kanilang Yoga session.

Source: KAMI.com.gh

Tags:
Online view pixel