Thea Tolentino, umalma sa mga komento sa viral na eksena niya sa "Madrasta"

Thea Tolentino, umalma sa mga komento sa viral na eksena niya sa "Madrasta"

- Sa kanyang social media post, ibinahagi ni Thea Tolentino ang kanyang reaksiyon sa pag-viral ng kanyang eksena sa seryeng "Madrasta"

- Ito ay ang kanyang eksena kung saan makikita siyang nakikipag-usap sa lalaking kanyang kaeksena na pumasok sa sasakyan

- Umani ng mga reaksiyon ang nasabing eksena dahil ayon sa mga netizens ay si Thea umano mismo ang nagsara ng pinto ng sasakyan

- Isang sarkastikong reaksiyon ang kanyang ipinakita upang pabulaanan na siya ang nagsara ng pinto ng kotse

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Matapos ang pag-viral ng kanyang eksena sa seryeng Madrasta, ibinahagi ni Thea Tolentino ang kanyang reaksiyon. Umani ng mga reaksiyon ang nasabing eksena dahil ayon sa mga netizens ay si Thea umano mismo ang nagsara ng pinto ng sasakyan.

Thea Tolentino, umalma sa mga komento sa viral na eksena niya sa "Madrasta"
Thea Tolentino (@theatolentino)
Source: Instagram

Isang sarkastikong reaksiyon ang kanyang ipinakita upang pabulaanan na siya ang nagsara ng pinto ng kotse.

Read also

Zoren Legaspi, naiyak nang nagbalik-tanaw siya sa kasal nila ni Carmina Villaroel

Bakit naman late niyo sinabing AKO pala nag-sara! Sana napa-ulit natin kay direk yung take! #sarcasm baka kasi di gets

Narito ang komento ng netizens sa kanyang video:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Haha ulit ulitin niyo magegets niyo kung sino nag sara, si juancho yon, nasama lang yung pwersa ni thea kaya sa camera, mukang siya yung nagsara.
Dapat may ibang anggulo ung camera para mas clear sa viewer. Xempre ang audience, ang ijajudge nian eh kung anu lang ung nakikita nila. And kung hindi talaga sisipatin ng husto. Mukhang sinara talaga ni ms. Thea ung door. Eh hindi nmn lahat ng audience mag aabalang ireview ung scene. So sana next time . I consider din nati ung proper angle ng camera para mas clear ang dating sa viewer. No hate. Just love.

Read also

Mga apo ni Dagul, naibalik na sa pangangalaga ng ina nito

Ako di ako naniwala na ikaw nagsara ng pinto kasi inulit ko muna yung video at tinignan ko yung tao sa loob ng car at nakita ko na hinila nya yung pinto, nagmukha lang ikaw ang nagsara kasi hawak mo yung pinto..

Si Thea Loise Señerez Tolentino ay isang Pinay actress na nakilala sa kanyang pagganap bilang si Ashley Mercado Alcantara sa GMA Network television drama series na The Half Sisters. Nagsimula siya sa pagiging artista nang tanghaling isa sa mga nagwagi sa ikalawang season ng talent search sa GMA Network.

Noong taong 2021 ay ibinahagi ni Thea ang kanyang planong magbukas siya ng kanyang sariling food business.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel