Ion Perez, hindi kinaligtaang bumawi sa naitulong ng kanyang mga kapatid

Ion Perez, hindi kinaligtaang bumawi sa naitulong ng kanyang mga kapatid

- Sa isang bahagi ng kanyang vlog, minabuti ni Ion na bilhan ng mga damit ang kanyang mga kuya

- Aniya, noong nangangailangan siya, madali siyang nakalapit sa mga kapatid niya kaya kahit papaano ay nais niyang suklian ang mga ito

- Marami sa mga netizens ang natuwa na makita ang pagiging mapagmahal ni Ion sa kanyang mga kuya

- Pinamili niya ng damit ang kanyang mga kapatid nang sumama ang mga ito sa pamimili niya ng gamit para sa kusina ng kanyang nanay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Bukod sa kanyang ina, pinamili din ng gamit ni Ion Perez ang kanyang mga kuya. Pinapili niya ang mga ito ng mga damit nang bumili sila ng mga gamit para sa pinapagawa niyang kusina para sa kanyang ina.

Ion Perez, hindi kinaligtaang bumawi sa naitulong ng kanyang mga kuya
Ion Perez at Vice Ganda (@praybeytbenjamin)
Source: Instagram

Aniya, noong nangangailangan siya, madali siyang nakalapit sa mga kapatid niya kaya kahit papaano ay nais niyang suklian ang mga ito. Marami sa mga netizens ang natuwa na makita ang pagiging mapagmahal ni Ion sa kanyang mga kuya:

Read also

Ion Perez, pinakita ang pinapagawang pangarap na kusina ng kanyang nanay

Nkakatuwang hindi ka nakakalimot kng San ka nagmula, at sobrang pagmamahal mo sa pamilya mo, lalo sa nanay mo. God bless u more Ion!
Sana Madami Pang Blessings Na Dumating Sayo At Sa Pamilya Mo Tuloy Lng At Sobra Ka Mapagmahal Sa Mga Tao At Kay Meme Vice

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

werti ni Nanay sayo at ng yong mga kapatid dahil sobrang bait mo sa pamilya mo Cabalen dhil hnd ka nakalimut sa mga taong tumulong sayo nuon. Bsta lagi lng nakatapak yang paa mo sa lupa Noi at laging magdasal...ingat kyo lagi ni Meme

Ang karelasyon ni Ion na si Si Vice Ganda ay isang aktor, TV host at komedyante na bumida na sa maraming pelikula kagaya ng Sisterakas, Praybeyt Benjamin, at Revenger’s Squad na talaga namang kumita sa takilya. Isa rin siya sa mga hosts ng noon time show na It's Showtime.

Read also

Ion Perez, hinangaan sa kanyang pamimili para sa kusina ng kanyang nanay

Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics. Nakapagtanghal na rin siya sa iba't-ibang bahagi ng mundo sa pamamagitan ng kanyang pagpapatawa.

Matatandaang muling naging kontrobersiyal si Vice Ganda at karelasyon nitong si Ion Perez kamakailan matapos madawit ang mga ito sa patutsada ni Buknoy Glamurrr at kaibigan nitong si Gabo laban kay Awra Briguela.

Maging ang kanyang vlog kung saan pinakita niya ang ilan sa pinakapaborito niyang sapatos sa kanyang shoe collection ay lumikha ng ingay sa mga netizens.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel