Barbie Imperial, nilinaw na okay sila ni Diego Loyzaga kahit hiwalay na sila

Barbie Imperial, nilinaw na okay sila ni Diego Loyzaga kahit hiwalay na sila

- Sa isang panayam, nilinaw ni Barbie Imperial na okay sila ni Diego kahit hiwalay na sila

- Naniniwala umano siyang hindi naman daw “bad breakup” ang nangyari sa kanila ni Diego

- Aniya, sa kanilang paghihiwalay ay mas mag-go-grow sila bilang isang tao kaya mas mabuti na rin umanong naghiwalay na sila

- Matatandaang kamakailan lamang nang kumpirmahin ni Barbie Imperial ang hiwalayan nila ng karelasyon sa loob ng mahigit isang taon

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Matapos ang kanyang kumpirmasyon tungkol sa paghihiwalay nila ni Diego Loyzaga, tila mas handa na si Barbie Imperial na magkwento tungkol dito. Sa isang panayam ng Star Magic Inside News, nilinaw niyang hindi sila magkaaway ni Diego.

Barbie Imperial, nilinaw na okay sila ni Diego Loyzaga kahit hiwalay na sila
Photo from Diego Loyzaga (@diegoloyzaga)
Source: Instagram

Aniya, okay sila at sa tingin niya ay mas okay na naghiwalay sila dahil marami pa umano silang dapat matutunan at kailangan nilang mag-grow bilang tao.

Read also

Alodia Gosiengfiao, nakatanggap ng malaking bouquet ng bulaklak

“We broke up na, break na kami. Hindi naman siya bad breakup. Okay kami. Hindi kami nag-break na magkaaway kami, hindi. We are okay. I think it’s for the better naman.

Maging si Diego daw ay alam na marami pa silang dapat matutunan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

“And even si Diegs naman alam niya naman ‘yon na parang marami pa kaming kailangang matutunan at kailangan pa namin na mag-grow apart,”

Matatandaang naging usap-usappan kamakailan ang pagkumpirma ni Barbie tungkol sa hiwalayan nila ng karelasyong si Diego sa loob ng mahigit isang taon. Ito ay matapos ng ilang linggong espekulasyon ng di-umano’y paghihiwalay nila.

Si Carlos Diego Loyzaga o mas kilala bilang Diego Loyzaga ay isang aktor, modelo at video jockey. Anak siya ni Tereza Loyzaga at Cesar Montano. Matatandaang pansamantalang tumigil sa pag-aartista si Diego matapos dumaan sa depresyon. Ito ay nangyari sa kalagitnaan ng seryeng "Los Bastardos" kung saan isa siya sa bida.

Read also

Sen. Joel Villanueva, naiyak nang inalala ang pumanaw na kapatid na si Mayor Joni

Kasunod nito ay inamin din ni Barbie ang tungkol sa kanilang relasyon na aniya ay hindi niya inasahan dahil sila ay nagsimula sa pagkakaibigan. Pinasalamatan din ni Barbie si Diego dahil sa pagmamahal at pagpapasaya nito sa kanya.

Kinakiligan ng marami ang mensahe ni Diego kay Barbie na nagpapasalamat sa pagbigay umano nito ng kulay sa huling bahagi ng kanyang 2020.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel