Alodia Gosiengfiao, nakatanggap ng malaking bouquet ng bulaklak

Alodia Gosiengfiao, nakatanggap ng malaking bouquet ng bulaklak

- Napatanong si Alodia Gosiengfiao kung sino umano ang nagpadala sa kanya ng isang malaking bouquet ng bulaklak

- Nagbiro din siya na pwede siyang padalhan ng Google invite para sa darating na Valentines day at aniya ay magpapasya na lamang siya kung tatanggapin o tatanggihan niya ang imbitasyon

-Matatandaang kamakailan ay siya mismo ang nagkumpirma tungkol sa paghihiwalay nila ng boyfriend niyang si Wil Dasovich

- Matapos ang kanyang pagkumpirma ay hindi na naglabas ang kampo niya at ni Wil kaugnay sa dahilan ng kanilang paghihiwalay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Marami ang napa-sana all sa ibinahaging Instagram post ni Alodia. Dito ay may hawak siyang malaking sunflower bouquet.

Alodia Gosiengfiao, nakatanggap na malaking bouquet ng bulaklak
Alodia Gosiengfiao (@alodia)
Source: Instagram

Napatanong si Alodia kung sino umano ang nagpadala sa kanya ng isang malaking bouquet ng bulaklak.

Wow, who sent me flowers again? It’s huge.. Hopefully, as huge as your… friendship

Read also

Manny Villar at Willie Revillame, namataang magkasama kasunod ng pahayag ng GMA-7

Nagbiro din siya na pwede siyang padalhan ng Google invite para sa darating na Valentines day at aniya ay magpapasya na lamang siya kung tatanggapin o tatanggihan niya ang imbitasyon.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

And yes, I know Valentine’s is just around the corner. Please send me a Google Calendar invite so I am reminded that day. Para sure. But I’ll decide if accept or decline jk

Matatandaang kamakailan ay siya mismo ang nagkumpirma tungkol sa paghihiwalay nila ng boyfriend niyang si Wil Dasovich. Gayunpaman, ayon kay Wil ay maayos silang nagkahiwalay. Sinabi niya ito sa isang podcast kung saan nakasama niya ang kapatid na babae.

Si Alodia Gosiengfiao ay nakilala bilang isa sa pinakasikat na cosplayer sa bansa. Isa din siyang game streamer at vlogger. Naging usap-usapan ang pagpunta ni Alodia sa US noong nagkasakit si Wil Dasovich at nagpapagaling sa cancer. Matagumpay din si Alodia sa larangan ng kanyang negosyo. Isa siya sa may-ari ng Tier 1 Entertainment, isang e-sports entertainment company.

Read also

Contestant sa It's Showtime, kinilig nang yakapin ni Vice Ganda

Kamakailan ay nagpadisenyo pa ng kanilang bahay sina Wil at Alodia sa sikat na vlogger at architect na si Oliver Austria.

Sabay nilang pinanood ang unang bahagi ng virtual tour sa dinesenyong bahay. Gayunpaman, mag-isa na lamang si Wil sa pag-react sa ikalawang bahagi ng video ni Mantsong.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel