Herlene Budol, tinuruan si Ryan Bang ng Pinoy "Tambay Starter Pack"

Herlene Budol, tinuruan si Ryan Bang ng Pinoy "Tambay Starter Pack"

- Matapos isapubliko ang tungkol sa pagsasaayos ng kanyang bangko para sa sahod niya sa YouTube, isang panibagong video ang binahagi ni Herlene Budol

- Ibinahagi niya ang video kung saan kasama niya si Ryan Bang na ilang beses na rin niyang nakasama sa mga vlogs ni Ryan

- Itinuro niya sa Koreanong TV host ang aniya'y "Tambay Starter Pack" ng mga Pinoy

- Marami naman ang kinilig sa muling pagsasama ng dalawa dahil sa umano'y nakakakilig na chemistry nila

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Muling nakapagbahagi ng panibagong YouTube video si Herlene "Hipon" Budol matapos niyang ibahagi kamakailan na naayos na ang kanyang bangko para sa sasahurin niya sa kanyang YouTube channel. Sa kanyang bagong video ay tinuruan niya si Ryan bang ng aniya'y "Tambay Starter Pack" ng mga Pinoy.

Herlene Budol, tinuruan si Ryan Bang ng Pinoy "Tambay Starter Pack"
Herlene 'Hipon' Budol (@herelene_budol)
Source: Instagram

Sa kabila ng nakakaantig ng rebelasyon ni Ryan kamakailan kaugnay sa naudlot na panliligaw kay Yeng Constantino noon, marami ang natuwa dahil sa anila'y nakakakilig na chemistry nila Ryan at Herlene.

Read also

Heaven Peralejo, ibinahagi ang kanyang trip kasama ang kanyang "new baby"

The best this vlog today hehe, koryano na naginom ng tambay starter pack ng Pinas! haha, Ate Harlene more videos with kuya Ryan bang, I think magiging patok and sana soon my pa reveal char. More videos to come from both of you.
Ngayon Nalang Ulit Ako Kinilig! Yung Tipong Kalalake mo Tao pero Kinikilig Ka Sa Kanilang Dalawa Kaso Saya May jowa na Si Hipon Waiting Ako Sa 24 hours jowa Challenge .. Sana Bigyan Sila Ng Movie Dalawa

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nakakakilig Naman kau bagay kau at may chemistry pa .Parehas kayo na humble. Mas nakakakilig sigurooo yun kung matuloy na yung jowa challenge niyo ni Ryan Bang, Can't wait!

Si Herlene "Hipon" Budol ay unang nakilala sa kanyang bansag na Hipon Girl sa programa ni Willie Revillame na Wowowin. Minahal siya ng kanyang mga tagahanga at tagasubaybay dahil sa pagiging prangka nito kahit pa sa harap ng kamera.

Read also

Vice Ganda, nagdaos ng gender reveal para sa anak ni Angeline Quinto

Naging laman ng mga balita ang kontrobersiyal na sagutan nila ng Miss Universe Manila na si Alexandra Abdon sa Wowowin. Gayunpaman, nagkaayos silang dalawa at nagkapatawaran na.

Matatandaang matapos niyang makapanayam ni Toni Gonzaga sa kanyang YouTube show na ToniTalks, dumami ang gustong tumulong sa kanya. Pinagshopping din siya ni Alex Gonzaga ng mamahaling bag at sapatos.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel