Vice Ganda, pinakita ang kanyang bagong sasakyan na Cadillac Escalade

Vice Ganda, pinakita ang kanyang bagong sasakyan na Cadillac Escalade

- Sa pinakabagong video na ibinahagi ni Vice Ganda sa kanyang YouTube channel, pinakita niya ang kanyang bagong sasakyan

- Binili niya umano ang Cadillac Escalade dahil hindi na rin safe ang iba niyang sasakyan at ang isa naman ay hindi na gumagana nang maayos ang aircon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

- Pinangalanan niyang ES ang kanyang bagong sasakyan dahil ang pinambili umano niya dito ay katas ng kanyang programang Everybody Sing

- Marami naman ang na-inspire sa kanya dahil bukod sa tagumpay na tinatamasa niya ay hindi umano ito mayabang

Isang car reveal video ang ibinahagi ni Vice Ganda sa kanyang YouTube channel. Ipinakita niya ang pagdating ng kotse na kanyang binili. Kwento niya, may nauna nang dumating na Cadillac Escalade ngunit ayaw niya umano ang kulay.

Vice Ganda, pinakita ang kanyang bagong sasakyan na Cadillac Escalade
Vice Ganda (@praybeytbenjamin)
Source: Instagram

Binili niya umano ang naturang sasakyan dahil hindi na rin safe ang iba niyang sasakyan at ang isa naman ay hindi na gumagana nang maayos ang aircon. Pinangalanan niyang ES ang kanyang bagong sasakyan dahil ang pinambili umano niya dito ay katas ng kanyang programang Everybody Sing.

Read also

BF, sa paboritong online game nila ng GF ginawa ang wedding proposal

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Marami naman ang na-inspire sa kanya dahil bukod sa tagumpay na tinatamasa niya ay hindi umano ito mayabang:

Vice shared her new car but I never felt even a tiny bit of arrogance from her. The car is GRAND but Vice showed it at the humblest way possible
"Kuya,ikaw na ang bahala sa bago mong kotse.." Very humble ka talaga @ViceGanda,iloveu!
congrats po Meme Vice Moreee moreee blessings to come po sayu meme nakakainspire ka talaga meme ikaw talaga yung isa sa mga idol ko simula noon hanggang ngayon meme yan yung isa sa mga pangangrap mo lang dati sa Sana soon magkakaroon din ako nang ganito ganyan pero ngayon natutupad mo na talaga yung mga pangrap mo sa sarili mo at sa family mo Meme Vice

Read also

Francine Diaz, diretsang sinabi na wala siyang boyfriend; "I’m a single lady"

Si Vice Ganda ay isang aktor, TV host at komedyante na bumida na sa maraming pelikula kagaya ng Sisterakas, Praybeyt Benjamin, at Revenger’s Squad na talaga namang kumita sa takilya. Isa rin siya sa mga hosts ng noon time show na It's Showtime.

Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics. Nakapagtanghal na rin siya sa iba't-ibang bahagi ng mundo sa pamamagitan ng kanyang pagpapatawa.

Matatandaang muling naging kontrobersiyal si Vice Ganda at karelasyon nitong si Ion Perez kamakailan matapos madawit ang mga ito sa patutsada ni Buknoy Glamurrr at kaibigan nitong si Gabo laban kay Awra Briguela.

Maging ang kanyang vlog kung saan pinakita niya ang ilan sa pinakapaborito niyang sapatos sa kanyang shoe collection ay lumikha ng ingay sa mga netizens.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel