Tekla, nilinaw kung bakit wala na muli sa kanyang poder ang anak na si Aira

Tekla, nilinaw kung bakit wala na muli sa kanyang poder ang anak na si Aira

- Nilinaw ni Super Tekla kung bakit wala na muli sa kanyang poder ang panganay na anak na si Aira

- Bumalik na kasi ito sa Bacolod at isang phone call greeting ang ginawa nito sa pagdiriwang ng kaarawan ni Tekla sa 'The Boobay and Tekla Show'

- Sinabi rin ni Aira na hindi nangangahulugang umalis siya sa piling ng ama ay hindi na niya ito mahal

- Gayundin naman si Tekla na sinabihan ang anak na lagi lamang siyang naroon para sa kanya

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa kauna-unahang pagkakataon, nilinaw ni Super Tekla kung bakit wala na muli sa kanyang poder ang panganay niyang anak na si Aira.

Nalaman ng KAMI na sa pagdiriwang ni Tekla ng kanyang kaarawan sa 'The Boobay and Tekla Show' (TBATS) ay sinurpresa siya ng mga kasama ng isang phone call mula kay Aira.

Read also

Aiko, sa umano'y nagkatotoong hula kay Ruffa Gutierrez: "Na sila ni Herbert?"

Tekla, nilinaw kung bakit wala na muli sa kanyang poder ang anak na si Aira
Super Tekla (Photo from SuperTeklah Librada)
Source: Facebook

"Hindi porke umalis ako diyan hindi na kita mahal," paliwanag ni Aira sa ama.

"Mahal na mahal kita daddy. Kailangan ko lang umalis para 'di na rin ako makaabala sa trabaho mo," dagdag pa niya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Bumalik na kasi si Aira sa lola nito sa Bacolod kaya naman hindi na rin ito napapanood sa mga video sa YouTube channel ng 'Donekla in tandem.'

Paliwanag naman ni Tekla, na-culture shock umano si Aira sa pamumuhay sa Maynila.

"Kumbaga kinuha ko siya sa Bacolod na pinuwersa ko ba na binigla ko 'yung mundo niya na dito ka na"
"Thinking ko ma-absorb niya 'yung environment yung nature at yung pagkain."

Madalas din daw kasi nilang mapagtalunang mag-ama ang mga pagkain dito sa Maynila gayun sanay lamang si Aira sa 'salt and pepper' bilang pampalasa sa kanyang mga kinakain.

Read also

Lolit Solis, naawa kay Lucy Torres na umano'y na-bash nang husto sa statement nito ukol kay BBM

Mas panatag na rin daw ang loob ni Tekla na nasa Bacolod ang anak lalo na doon naman daw talaga ang kinasanayan nitong buhay.

Hiling lamang ni Tekla na lagi pa rin na mag-chat at makipag-usap sa kanya ang anak at lagi lamang daw siyang naroon para sa kanya.

"'Nak hindi kita inoobliga na pahalagahan mo ako. Just ano lang connect lang sa'kin. Kung anong problema mo nandito lang ako. Just chat me," pahayag ni Tekla.

Si Super Tekla ay isa sa kilalang komedyante ng GMA 7. Sumikat siya dahil sa kanilang programang "The Boobay and Tekla Show" (TBATS) at kasalukuyan din siyang namamayagpag bilang isang YouTuber kasama ng matalik niyang kaibigan na si Donita Nose sa kanilang channel na Donekla in Tandem na mayroon nang halos 3 million subscribers.

Matatandaang gumawa ng ingay si Tekla noong nakaraang taon dahil sa mga naisiwalat ng kanyang dating live-in partner na si Michelle Banaag tungkol sa kanya na umabot pa sa programa ni Raffy Tulfo.

Nang umalis si Tekla sa dating condo unit nito kung saan kasama noon si Michelle, tumira na ito kasama ng kanyang ka-tandem na si Donita at noo'y kinuha na rin niya ang panganay na anak na si Aira.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel