Chad Kinis, emosyonal nang isurpresa ng maayos na tirahan ang homeless college student
- Maging si Chad Kinis ay naluha sa pagbibigay supresa niya ng maayos na tirahan sa isang deserving na college student
- Isa umanong guro ng college student ang dumulog kay Chad at nagparating ng kalagayan ng estudyanteng mahigit sampung taon nang naninirahan sa bakanteng lote
- Ganoon na rin siya katagal na walang kuryente at maayos na palikuran at wala rin siyang maayos na higaan
- Ngunit sa kabila ng kanyang kalagayan, isa siyang iskolar at student leader at ilang buwan na lamang ay magtatapos na siya sa kolehiyo
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Hindi rin napigilan ni Chad Kinis na maluha sa surpresang handog niya sa college student na si Jun Jun mula sa Makati.
Nalaman ng KAMI na ang guro niyang si Val Olaguer ang dumulog at nagpadala ng liham kay Chad para matulungan si Jun Jun.
Ayon sa guro, hindi sila makapaniwala sa sitwasyon ni Jun Jun kung saan nakatira raw ito sa tagpi-tagping tirahan sa isang bakanteng lote.
Sa kabila ng kalagayan na ito ng graduating student, isa siyang student leader at scholar ng kanilang paaralan.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Mas lalo nilang hinangaan si Jun Jun nang malaman nila ang inuuwian nitong tirahan. Kaya naman ninais nilang ito ay matulungan.
Si Chad mismo ang nagpunta para makita ang kalagayan ni Jun Jun. Doon niya nalamang taong 2010 pa ito nakatira roon at nabubuhay sa kanyang pagiging isang iskolar.
Nang kinailangan niyang magka-laptop dahil sa online classes, isa siya sa mga lakas loob na nag-fund raising na "Piso para sa laptop" kaya naman may nagamit siyang gadget.
Dahil wala siyang kuryente, nakiki-charge na lamang siya sa mga kaibigang kapitbahay o di kaya naman daw ay sa barangay hall.
Naging bahagi rin siya ng Sangguniang Kabataan kaya naman mabilis isyang natutulungan ng barangay.
Tiniis niya ang lahat ng hirap sa loob ng mahigit isang taon. Sa kabila ng kanyang sitwasyon, nagagawa pa rin niyang tumulong sa pamilya niyang nasa Rizal. Sinisiguro niya na 'pag may natatanggap siyang allowance sa scholarship o anumang biyaya, ibinabahagi niya ito sa kanyang mga magulang at limang mga kapatid.
Nang dalhin na siya ni Chad sa dorm, inakala niyang totoong sa kapatid ito ni Chad. Ngunit nang iabot na ni Chad ang susi at sinabing para sa kanya pala ito, hindi na nila napigilang maluha.
"Dito ka na titira, babayaran namin lahat 'to hanggang maka-graduate ka kasi masipag kang bata," naluluhang sinabi ni Chad kay Jun Jun.
Mayroon na siyang maayos na higaan, maayos na CR at may aircon pa. Hindi na rin siya mamomroblema sa kuryente kung saan siya pwede mag-charge ng kanyang gadget.
Narito ang kabuuan ng video mula sa YouTube channel ni Chad Kinis:
Si Chad Kinis ay isa sa mga kilalang komedyante sa Pilipinas. Bahagi siya ng grupong Beks Battalion kung san kasama niya sina Lassy at MC Muah. Sumikat sila sa kasagsagan ng pandemya gayung isa ang grupong 'Beks Battalion' sa mga nagbibigay saya sa mga tao sa pamamagitan ng mga nakatutuwang videos nila sa kanilang YouTube channel.
Kamakailan, ginulantang ni Chad ang publiko sa kanyang anunsyo na isa na siyang "Dada".
Sa kanyang YouTube channel, ikinuwento niya ang pagiging ama dahil inako na niya ang responsibilidad na ito para sa pamangkin na si Rica Lorice.
Anak ito ng kanyang ate Laarnie subalit sa kasamaang palad, hindi ito pinanagutan ng nakabuntis sa kanya.
Gayunpaman, handa raw umano si Chad na ibigay ang lahat ng pangangailangan ng pamangkin lalong-lalo na ang pagmamahal ng isang ama.
Source: KAMI.com.gh