MC Muah, na-trauma tuwing nagdiriwang ng birthday: "Baka may mangyari na namang masama"

MC Muah, na-trauma tuwing nagdiriwang ng birthday: "Baka may mangyari na namang masama"

- Ikinuwento ni MC Muah kay Ogie Diaz ang nakakadurog pusong mga naranasan niya tuwing siya ay magdiriwang ng kanyang kaarawan

- Nag-umpisa ito nang mag-celebrate siya ng birthday na siyang araw din na namatay ang kanyang ama

- Makalipas ang ilang taon, nagdiwang siya at lolo naman niya ang na-stroke at kalauna'y binawian din ng buhay

- Dahil lamang sa kanyang ina na nagsasabing nagkakataon lamang ito, muling nagdiwang si MC ng kanyang birthday subalit lola naman niya ang nawala

- Mula noon, hindi na siya kailanman naghanda ng magarbo sa kaarawan niya sa takot na may mahal siya sa buhay na mawawala

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Isa sa mga naikwento ni MC Muah sa interview sa kanya ni Ogie Diaz ay ang mga hindi magandang nagaganap tuwing nagkakaroon siya ng malaking handaan.

Read also

Chad Kinis, umani ng papuri matapos i-anunsyo na isa na siyang "Dada"

Nalaman ng KAMI na nagsimula ito nang maisipan niyang mag-party taong 1994 at nagkataon pang nakaitim karamihan ng mga dumalo.

Matigas man ang loob ng kanyang ama na nagsabing ayaw makihalubilo sa mga bisita ni MC na bakla, nagulat na lamang sila nang bigla itong bumaba at naging punong abala sa pagluluto.

MC Muah, na-trauma tuwing nagdiriwang ng birthday: "Baka may mangyari na namang masama"
Si MC Muah kasama si Lassy (@mcmuah)
Source: Facebook

Subalit hindi nagtagal, bigla nalang daw tinawag ng ama si MC at nag-aya na umanong umakyat.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Napansin naman ni MC na tila kinakaladkad na lang ng kanyang Papa ang isang paa nito.

Doon, nagdesisyon na tumawag ng ambulansya at agad naman itong nadala sa pagamutan.

Nang makasunod sa opsital, diniretsa na raw si MC ng doktor.

"Alam mo, ang papa mo, mabubuhay ng lang ng dalawang araw," pagbabalik-tanaw ni MC.

Read also

LJ Moreno, nabiktima ng pagnanakaw nang lumipat sa kanilang bagong bahay

"Ganun ka massive 'yung pagputok ng ugat sa brain niya," dagdag pa ni MC at hindi raw nagtagal, pumanaw ang ama sa edad na 49.

Dalawang taon ang lumipas, sinubukan muli niyang magkaroon ng handaan para sa kaarawan.

"Inatake naman ng stroke ang lolo, tatay ng mama ko. So, na-trauma na naman ako."

At ang huli ay ang celebration niya noong 1999 kung saan ipinagpaliban niya dahil sa naospital naman ang kanyang lola.

"November 9, naghanda ako. After naming kumain namatay ang lola ko."

Dahil dito, hindi na raw siya talaga nagkakaroon ng magarbong handaan sa takot na may hindi magandang mangyari lalo na sa mga mahal niya sa buhay.

Narito ang kabuuan ng panayam kay MC na mapapanood sa Ogie Diaz YouTube channel:

Si MC Muah Calaquain ay isa sa mga kilalang komedyante sa Pilipinas. Bahagi siya ng grupong Beks Battalion kung san kasama niya sina Lassy at Chad Kinis. Sumikat sila sa kasagsagan ng pandemya gayung isa ang grupong 'Beks Battalion' sa mga nagbibigay saya sa mga tao sa pamamagitan ng mga nakatutuwang videos nila sa kanilang YouTube channel.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica