LJ Moreno, nabiktima ng pagnanakaw nang lumipat sa kanilang bagong bahay

LJ Moreno, nabiktima ng pagnanakaw nang lumipat sa kanilang bagong bahay

- Naibahagi ni LJ Moreno sa kanilang pag-uusap ni Ruffa Mae Quinto sa kanilang YouTube channel na Wonder Mamas ang karanasan niya kaugnay sa pagkawala ng kanyang mga singsing

- Naganap ito noong naglilipat sila ng gamit sa kanilang bagong bahay at wala siyang maisip na ibang pwedeng gumawa kundi ang mga movers na tumulong sa paglipat ng kanilang mga gamit

- Itinago raw niya ang mga ito sa drawer sa dating tinitirhang bahay sa araw ng paglilipat nila

- Matapos subukang magreklamo, idinaan na lamang ni LJ sa dasal ang nangyari sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa kanilang paglilipat, naibahagi ni LJ na nag-hire sila ng movers na tumulong sa paglilipat ng kanilang kagamitan. Naibahagi niyang nawala ang engagement ring at wedding ring niya na tanda niya kung saan niya nilagay.

LJ Moreno, naBiktima ng pagnanakaw nang lumipat sa kanilang bagong bahay
The Alapag Family (@thelollicakechic)
Source: Instagram

Suspetsa niya, ang mga movers na kanilang inupahan ang may kinalaman sa pagkawala ng kanyang mga singsing. Kwento pa niya, hindi naman nangyari sa kanila na mawalan ng gamit kahit marami din silang mga valuables nang magpatulong sa mga movers sa Pilipinas.

Read also

Sachzna Laparan, ibinahagi ang video ng umano'y pulis na aniya'y nanakot sa kanila

Napansin na lamang ni LJ na nawawala ang kanyang dalawang singsing nang buksan niya nang drawer kung saan niya iyon nilagay kasama ng kanyang relo.

“Nag-pray na lang ako nang bonggang-bongga.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matapos subukang magreklamo, idinaan na lamang ni LJ sa dasal ang nangyari sa kanya.

Aniya, hindi niya kaagad napansin ang bad reviews sa mga movers. Napansin na lamang umano niya iyon nang muli siyang tumingin sa reviews nang mapansin niyang nawawala ang kanyang mga singsing.

“Nung chineck ko talaga, okay naman yung reviews, although meron palang ilan na bad. After ko na na-check. Kasi parang 4.5 stars naman sila. So, sabi ko, ‘Okay na.’”

Si LJ Moreno o si Lari Jeanne Lacsamana Ricafort sa totoong buhay ay isang aktres na nakilala sa mga pelikulang Di kita Ma-reach (2001), The Leaving (2010) at Sgt. Maderazo: Bayad na Pati Kaluluwa Mo (2001). Ikinasal siya sa professional basketball player na si Jimmy Alapag noong August 19, 2010.

Matatandaang taong 2020 nang isapubliko ng mag-asawa ang tungkol sa kanilang pangingibang bansa. Sa kasalukuyan, mayroong YouTube channel si LJ kasama ang kapwa aktres na si Ruffa Mae Quinto.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel