Zeinab Harake, binigyan ng room makeover ang anak na si Bia

Zeinab Harake, binigyan ng room makeover ang anak na si Bia

- Sa pinakabagong vlog ni Zeinab Harake, binigyan niya ng room makeover ang kanyang baby Bia

- Ayon kay Zeinab, mabilis lumaki si Bia kaya naman pinalitan na niya ang ibang mga gamit sa kwarto nito

- Nilagyan na rin niya ito ng playpen gayung natututo nang gumapang ang kanyang baby na six months old na

- Hindi pa man daw nakakapagpa-thank you sa kanya si Bia ngayon, nais niyang makita nito balang araw ang lahat ng mga nagawa niya rito bilang ina

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Bongga ang bagong room makeover ng baby ni Zeinab Harake na si Baby Bia.

Nalaman ng KAMI na sa pinakabagong vlog ni Zeinab, ipinakita niya kung paano niya nilinis at pinalitan ang ilang bagay sa kwarto ng baby nila ni Skusta Clee.

Six months na raw kasi si Bia at talagang mabilis nang lumaki kaya naman naisipan na ni Zeinab na lagyan ng playpen ang anak na nagisisimula nang gumapang.

Read also

Madam Inutz, binigyan ng 2 puntos si Chie dahil wala raw naiaambag sa kanila

Zeinab Harake, binigyan ng room makeover ang anak na si Bia
Photo from Zeinab Harake
Source: Facebook

Inalis na rin ang ilang mga dating gamit ni Bia sa kanyang kwarto at pinalitan na ito ng mga bago.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Hands-on si Mommy Zeinab at siya talaga mismo ang namili ng mga gamit at naglinis ng kwarto ng kanyang anak.

Patunay lamang daw ito na walang katotohanan ang komentong ilan na napapabayaan na ni Zeinab ang kanyang anak.

Aniya, hindi pa man nakakapag-thank you ang anak niya sa ngayon, nais pa rin niyang makita ni Bia ang mga effort niya para rito.

"Soon, gusto ko kasing makita niya lahat, lahat ng effort ko sa kanya bilang mommy niya"

Narito ang kabuuan ng video mula sa YouTube channel ni Zeinab Harake:

Si Zeinab Harake ay isa sa mga highest-paid vlogger sa bansa. Kasalukuyan na siyang may mahigit na 11 million YouTube subscribers.

Read also

Madam Inutz, sinurpresa at pinasaya ang isa sa mga naging nanay-nanayan niya

Kamakailan, ibinahagi ni Zeinab ang pagtulong niya sa isang institusyon na nangangalaga sa mga batang may malubhang karamdaman. Napasaya niya ang mga ito sa pamamahagi niya ng mga pagkain, laruan at iba pang mga pangangailangan ng mga bata.

Bukod sa pagtulong niya sa mga kababayang nangangailangan, kinakitaan din ng pagiging galante at mapagbigay ni Zeinab sa kanyang mga kaibigan at mahal sa buhay. Matatandaang umabot sa Php200,000 ang kanyang binayaran nang ipinamili niya ng damit ang kanyang 'Team Zebbies.'

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel