Madam Inutz, sinurpresa at pinasaya ang isa sa mga naging nanay-nanayan niya

Madam Inutz, sinurpresa at pinasaya ang isa sa mga naging nanay-nanayan niya

- Binalikan ni Madam Inutz ang isa rin sa mga nag-alaga sa kanya noong siya'y bata pa

- Ito ang paraan ni Madam Inutz para magbigay pasasalamat sa mga naitulong nito sa kanya

- Ipinamili niya ito ng grocery na labis namang ikinasaya ng kanyang tiyahin

- Masaya rin si Madam na nakakatulong sa iba na kung dati siya ang humihirit ng pang-chicha sa kanyang viewers, siya na ngayon ang namimigay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Binalikan ni Madam Inutz ang isa sa mga naging nanay-nanayan niya para i-surpresa.

Nalaman ng KAMI na bahagi ito ng kanyang mga video kung saan may ilang mga tao siyang binibigyan ng tulong.

Sa unang bahagi, isa rin sa mga pamilyang kumupkop sa kanya at kanyang binalikan para bilhan ng mga grocery items.

Madam Inutz, sinurpresa at pinasaya ang isa sa mga naging nanay-nanayan niya
Madam Inutz (Photo screengrab from Daisy Lopez YouTube channel)
Source: Facebook

Isa ring lalaking naka-wheelchair at may kapansanan ang kanyang binilhan ng mga pangangailangan nito. Naantig pa rito ang puso ni Madam dahil sa kabila ng pagiging PWD nito, matiyaga pa rin daw itong nagtatrabaho.

Read also

Madam Inutz, binigyan ng 2 puntos si Chie dahil wala raw naiaambag sa kanila

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

At sa pinakabagong video naman niya, ipinakita naman niya kung paano niya natulungan ang isang mangangalakal ng basura na nadaanan lamang nila.

Pinuntahan din niya para isurpresa ang kanyang tiyahin na isa rin sa mga naging ikalawang ina niya at nag-alaga sa kanya noong siya'y bata pa. Mababakas ang saya sa mukha nito dahil sa surpresang pagdalaw ni Madam Inutz at sa mga biyayang ibinahagi nito sa kanya.

Si Daisy Lopez o mas kilala bilang si Madam Inutz ay nakilala sa kanyang nakakaaliw na live-selling kung saan tahasan niyang minumura ang kanyang mga viewers. Hindi raw kasi nagma-mine ang mga ito at tumatambay lang sa kanyang live selling.

Dahil dito, nakilala at minahal siya ng publiko lalo na nang malaman nila ang kwento ng pagsisikap ni Madam Inutz.

Read also

Zeinab Harake, binigyan ng room makeover ang anak na si Bia

Ngayon kahit nasa loob ng bahay ni Kuya, patuloy pa rin siyang sinusurpresa ng kanyang manager na si Wilbert Tolentino na binigyan pa siya ng house and lot bago siya pumasok sa PBB house.

Ayon kay Wilbert, ito raw ang motivation niya kay Madam Inutz para pagbutihin nito ang kanyang gagawin sa pagiging isa sa mga celebrity housemates ni Big Brother.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel