BB Gandanghari, nagpapasalamat kina Kylie at Aljur sa pakikinig sa kanyang payo

BB Gandanghari, nagpapasalamat kina Kylie at Aljur sa pakikinig sa kanyang payo

- Sa kanyang Instagram live, nagpapasalamat si BB Gandanghari na nakinig naman umano sina Kylie Padilla at Aljur Abrenica sa kanyang payo na huwag ilabas ang kanilang baho sa publiko

- Ito ay kaugnay sa kanilang paghihiwalay kamakailan na talaga namang pinagpiyestahan ng publiko

- Matatandaang sa kanyang eksklusiong interview ay wala nang masasamang sinabi si Kylie patungkol kay Aljur

- Sa kanyang mga sumunod na mga interviews ay pawang magaganda na lang din ang nasabi ni Aljur sa ina ng kanyang dalawang anak

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ipinagpapasalamat ni BB Gandanghari na hindi hinayaan nina Kylie Padilla at Aljur Abrenica na lalong pagpiyestahan ng publiko ang kanilang paghihiwalay. Ito ay matapos niyang sabihing iwasan nilang ilabas ang kanilang baho sa publiko para na ang din sa kapakanan ng kanilang mga anak.

BB Gandanghari, nagpapasalamat kina Kylie at Aljur sa pakikinig sa kanyang payo
Photo from Instagram account of BB Gandanghari
Source: Instagram

Matatandaang sa kanyang eksklusiong interview ay wala nang masasamang sinabi si Kylie patungkol kay Aljur. Sa kanyang mga sumunod na mga interviews ay pawang magaganda na lang din ang nasabi ni Aljur sa ina ng kanyang dalawang anak.

Read also

BB Gandanghari, muling binanatan si Ogie Diaz kaugnay sa komento nito sa payo niya

Nag-ugat ang lahat sa statement na inilabas ni ALjur sa social media kung saan hinahamon nito si Kylie na sabihin sa publiko kung sino talaga ang unang nagloko na naging dahilan ng pagkasira ng kanilang binuong pamilya.

Kasunod nito ay walang diretsahang sagot si Kylie kundi mga pasaring. Kaya naman talagang naging kaabang -abang ang panayam sa kanya sa programang Kapuso Mo, Jessica Soho.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Gayunpaman, wala naman itong inilabas na mga mapanirang kwento tungkol sa kanyang ex. Aniya kung magsasalita talaga siya, marami siyang masasabing makakasira kay Aljur at ayaw niya iyon dahil ama ito ng kanyang mga anak.

Ani BB, mabuti na lang at nakinig naman sa kanyang payo ang dalawa. Wala nang mga inilaabas na pasabog ang dalawa matapos ang panayam na iyon kay Kylie.

Read also

Tom sa honeymoon nila ni Carla: "Ayaw kong nagwo-worry ka, lahat 'yun ako na"

Si Binibini Gandanghari ay isang Filipino transgender actress, model, entertainer, comedian, at director. Siya ang nakakatandang kapatid ng aktor na si Robin Padilla.

Matatandaang muling naging usap-usapan si BB matapos maibalitang kinailangan siyang isugod sa ospital dahil sinaktan siya ng kanyang katrabaho.

Inalmahan ni BB ang pagtawag sa kanya ng Rustom at pag "misgender" sa kanya ng sikat na showbiz writer na si Ricky Lo.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel