BB Gandanghari, muling binanatan si Ogie Diaz kaugnay sa komento nito sa payo niya

BB Gandanghari, muling binanatan si Ogie Diaz kaugnay sa komento nito sa payo niya

- Hindi pa tapos si BB Gandanghari sa kanyang patutsada kay Oie Diaz at muli niya itong sinupalpal skanyang Instagram video

- Aniya ay masasabi niyang bobo umano si Ogie Diaz dahil sa aniya'y 'lack of word' para mailarawan niya ang showbiz reporter

- Tinawag niya rin ito na manloloko si Ogie dahil aniya sa mga paggawa nito ng issue sa mga artista

- Hindi naman na sumagot si Ogie mula nang ilabas ni BB ang kanyang reaksiyon sa video ni ogie kung saan nagbahagi ito ng opinyon kaugnay sa kanyang payo sa kanyang pamangking si Kylie Padilla at Aljur Abrenica

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Muling binanatan ni BB Gandanghari ang showbiz reporter na si Ogie Diaz. ito ay kaugnay parin sa pahayag kamakailan ni Ogie patungkol sa kanyang pagbigay ng payo sa pamangkin niyang si Kylie Padilla at kay Aljur Abrenica.

Read also

BB Gandanghari, pinayuhan si Robin Padilla sa pakikipagkumpare kay Ogie Diaz

BB Gandanghari, sinabiang bobo at manloloko si Ogie Diaz
Photo from Instagram account of BB Gandanghari
Source: Instagram

Hindi nakapagtimpi si BB at tinawag na bobo si Ogie dahil wala umano siyang ibang salitang maisip upang ilarawan si Ogie.

Tinawag niya rin itong manloloko dahil sa paggawa umano nito ng tsismis at mga istorya patungkol sa mga artista. Muli niyang binanggit na walang-wala umanong kredibilidad sa kanya ang showbiz news reporter na naging aktor na rin at talent manager.

Matatandaang nag-ugat ito nang pabirong sinabi ni Ogie na kay BB pa talaga nanggaling ang payong huwag ilabas ng mag-asawa ang kanilang "dirty linen" sa publiko.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Muli niya ding nilinaw na wala siyang siniraang tao sa kanyang show na BB Uncut. aniya, kung sa pag-iintindi ni Ogie ay mali ang kanyang ginawa nang magkwento siya tungkol kanyang nakaraang relasyon sa isang aktor na hindi niya direktang pinangalanan.

Read also

Bugoy Cariño, umalma sa mga negatibong komento kay EJ Laure

Dagdag pa niya, kinuwestiyon ni Ogie ang kredibilidad niya para magbigay ng advice. Sinisira daw nito ang reputasyon niya.

Si Binibini Gandanghari ay isang Filipino transgender actress, model, entertainer, comedian, at director. Siya ang nakakatandang kapatid ng aktor na si Robin Padilla.

Matatandaang muling naging usap-usapan si BB matapos maibalitang kinailangan siyang isugod sa ospital dahil sinaktan siya ng kanyang katrabaho.

Inalmahan ni BB ang pagtawag sa kanya ng Rustom at pag "misgender" sa kanya ng sikat na showbiz writer na si Ricky Lo.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel