Mygz Molino, todo-iyak pa rin sa kanyang kauna-unahang interview

Mygz Molino, todo-iyak pa rin sa kanyang kauna-unahang interview

- Hindi pa man ipinapalabas ay agad na nagtrending sa Twitter ang pangalan ni Mygz Molino

- Ito ay kaugnay sa kanyang guesting sa 'The Tekla and Boobay Show' kung saan hindi niya napigilang maging emosyonal

- Ito ang unang panayam ni Mygz simula nang pumanaw ang komedyante na nakilala ding ka-tandem ni Mygz

- Marami sa mga fans at tagasuporta nina Mygz at Mahal ang tumutok at naging emosyonal din sa mga pahayag ni Mygz

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Bago pa sumabak sa tanungan, binalikan muna ng programang The Tekla and Boobay Show ang masasayang alaala ni Mahal noong nabubuhay pa ito. Hindi naman napigilang maiyak pa rin ni Mygz matapos ilabas ang video tribute kay Mahal.

Unang panayam ni Mygz Molino matapos ang pagpanaw ni Mahal, trending
Mygz Molin0 (@mygz.molino)
Source: Instagram

Hindi kaagad nakasagot si Mygz nang tanungin siya kung ano ang pinakanamimiss nito sa ka-tandem.

Read also

LJ Reyes, sinabing hindi na nagparamdam si Paolo Contis sa kanilang mag-iina

Aniya, napakarami ng mga bagay na namiss niya kay Mahal. Aniya, ang mga tawa niya, ang mga ngiti niya at ang pagpapasaya sa kanya at sa kanyang pamilya ang hindi niya malilimutan kay Mahal.

Ito ang unang panayam ni Mygz simula nang pumanaw ang komedyante na nakilala ding ka-tandem ni Mygz. Marami sa mga fans at tagasuporta nina Mygz at Mahal ang tumutok at naging emosyonal din sa mga pahayag ni Mygz.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Isa umano sa mga gustong gawin ni Mahal ay makagawa pa ng marami pang mga vlog. Gusto daw iparamdam ni Mygs kay Mahal na kaya nilang gawin ang mga bagay na gusto pa niyang gawin.

Si Mygz Molino ay isang vlogger na nakasama ng yumaong komedyanteng si Mahal Tesorero. Si Mygz ang ka-tandem nito sa mga vlog niya kaya naman labis itong naapektuhan sa pagkawala ni Mahal. Siya ang laging kasa-kasama ni Mahal sa mga raket nito kahit sa kanyang TV shows.

Read also

LJ Reyes, inamin na dumarating pa rin ang pagkakataon na naiiyak siya

Matatandaang, taliwas sa lumabas na haka-haka, hindi sinisisi ng mga kapatid ni Mahal si Mygz sa nangyari sa kapatid nila. Bagkus ay malaki ang kanilang pasasalamat na naging masaya ang kanilang kapatid sa huling mga taon ng kanyang buhay kasama si Mygz at ang pamilya niya.

Hindi naman na nakadalo pa sa libing ni Mahal si Mygz dahil kinailangan nilang mag quarantine dahil sila ang close contact ni Mahal bago ito pumanaw dahil sa COVID.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel