Mga kapatid ni Mahal, nilinaw na hindi nila sinisisi si Mygz Molino

Mga kapatid ni Mahal, nilinaw na hindi nila sinisisi si Mygz Molino

- Sa kabila ng mga lumalabas na mga bali-balita, nilinaw ng mga kapatid ni Mahal na hindi nila sinisisi si Mygz Molino sa pagkamatay ni Mahal

- Anila bagkus ay nakita nila ang pag-aalaga nito kay Mahal at nakita nilang masaya ang kanilang kapatid

- Nakita din nila kung paanong naghanap ng paraan sina Mygz upang malunasan ang karamdaman ni Mahal

- Nakatakda sana umanong ilipat si Mahal ng ospital ngunit bigla umanong bumaba ang kanyang oxygen level kaya naghintay muna silang mag-stable ang kalagayan ng komedyante

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Nagdadalamhati man sa pagkawala ng kanilang kapatid, nilinaw ng dalawang kapatid ni Mahal na hindi nila sinisisi si Mygz Molino sa nangyari kay Mahal. Anila, nakita naman nila kung gaano nagsikap sina Mygz na mahanapan ng paraan upang maging maayos ang kalagayan ni Mahal.

Read also

Mygz Molino, hindi makakadalo sa libing ni Mahal dahil naka-quarantine pa rin

Mga kapatid ni Mahal, nilinaw na hindi nila sinisisi si Mygz Molino
Mahal Tesorero (@mahal.tesorero)
Source: Instagram

Maging sila ay hindi na nakita ang katawan ng kanilang kapatid dahil pinagbawalan na sila. Sa panayam ng columnist at writer na si Benny Andaya, sinabi ng kapatid ni Mahal na kailangan na lang nilang tanggapin na wala na ang kanilang kapatid.

Matatandaang nitong buwan lamang ng Agosto nang magluksa ang kanilang pamilya sa pagkawala ng kanilang ama.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang komento ng ilang netizens:

FINALLY, thank you so much for this interview, I was crying while listening to both of you Sir Jason and Miss Lanie. Thank you so much for the enlightenment of what has really happened to Mahal. Na nabubwesit ako sa mga naglipang vloggers na kanikanyang uplod na fake news. Thank also for appreciating Mhygs effort and his family on taking good care of Mahal.

Read also

Video ng pagiging maalaga ng ina ni Mygz Molino kay Mahal, viral

Salamat jason and lani for understanding mgyz. and our deepest sympathy to ur family.
Yes...Everything happens for a reason in God's will. Thank you Jason and Lani for answering those BASHERS of Mygs.Mahal is in God's hand.May Mahal Rest In Peace

Si Mahal na isinilang bilang si Noemi Tesorero ay sumikat sa mundo ng komedya. Kabilang sa kanyang mga nagawang pelikula ay Id'Nal (Mapusok) (2012), Kokey (1997) at Mr. Suave: Hoy! Hoy! Hoy! Hoy! Hoy! Hoy! (2003).

Muling naging maingay ang pangalan ng komedyante matapos mapansin ng mga netizens ang kanyang mga videos kasama si Mygz Molino.

Ibinahagi niya rin ang kanyang simpleng buhay ngayong hindi na ganoon ka aktibo ang kanyang showbiz career.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel