Super Tekla, tinukso ni Donita Nose sa isang flight attendant: "Baka ma-turn off siya"
- Tinukso ni Donita Nose si Super Tekla sa mga attendant ng kanilang flight patungong Cebu
- Pabiro namang sinabi ni Tekla na ayaw na niyang umibig pa at baka magkaroon naman ng "Raffy Tulfo in Action part 2" kung magkakaroon muli siya ng love story
- Masayang nakipagbiruan si Tekla sa mga flight attendant na napanood umano ang kontrobersiya nila ng dating partner na si Michelle
- Ayon pa sa mga attendant, si Tekla ang kanilang pinaniniwalaan sa natapos nang isyu
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Makulit ang kinalabasan ng flight ng Donekla in Tandem patungong Cebu at Siargao.
Nalaman ng KAMI na bukod sa sila ay naka-summer at winter outfit masayang nakipagkwentuhan sila sa mga flight attendant.
Tinukso pa ni Donita Nose si Tekla sa mga flight attendant ngunit agad namang sinabi ni Tekla na ayaw na niyang umibig muli.
"Ayoko munang umibig, baka may part 2 'yung Tulfo e," pabirong sinabi ni Tekla na ang tinutukoy ay ang naging kontrobersiya nila ng dating partner na si Michelle Banaag.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Tinanong niya sa mga attendant kung napanood ng mga ito ang mga kaganapan noon at kung naniniwala sila sa mga naging pahayag ni Michelle.
"Sa'yo ako naniniwala," sagot naman ng isang flight attendant.
Patuloy ang naging kulitan nila subalit bago lumapag ang eroplano, sinabi ng isang attendant na 'girl' din pala umano ang type niya na ikinagulat ni Tekla.
Narito ang kabuuan ng makulit na video mula sa Donekla in Tandem:
Ang 'Donekla in Tandem' ay binubuo ng mga komedyanteng sina Donita Nose at Super Tekla. Kasalukuyan na silang mayroong 2.9 million subscribers sa kanilang YouTube channel.
Kamakailan lamang, ipinagdiwang nina Donita at Tekla ang first anniversary ng kanilang YouTube channel. Hindi naiwasang maging emosyonal nang dalawa nang kanilang balikan ang mga nangyari sa loob ng isang taon. Ibinahagi rin nila ang unboxing nila ng kanilang gold play button sa pagkakaroon ng mahigit isang milyong subscribers.
Ipinapaalala lamang ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.
Source: KAMI.com.gh