Luis Manzano, ibinahagi ang makulit na endorsement shoot nila ni Alex Gonzaga

Luis Manzano, ibinahagi ang makulit na endorsement shoot nila ni Alex Gonzaga

- Ibinahagi ni Luis Manzano ang makulit na endorsement shoot nila ni Alex Gonzaga

- Sa umpisa ng kanyang vlog, hindi muna niya ipinaaalam kung sino ang kanyang makakasama sa naturang shoot

- Agad pa siyang nagbiro na mas gugustuhin pa raw niyang mag-root canal kaysa makasama o makita ng malapitan si Alex

- Nabanggit nila ang collab video na gagawin ni Alex at ng mommy ni Luis, si Vilma Santos

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Isang makulit na endorsement shoot ang ibinahagi ni Luis Manzano kung saan nakasama niya muli si Alex Gonzaga.

Matatandaang nagkasama sina Luis at Alex sa programang 'I can see your voice' kung saan host si Luis at isa naman sa mga singvestigators si Alex.

Sa pinakabagong vlog ni Luis, ipinakita niya ang batuhan nila ng makukulit na linya nila ni Alex habang isinasagawa ang bago nilang proyekto.

Read also

Ryan Agoncillo, binahagi ang isa sa dahilan kung bakit swak sila ni Judy Ann Santos

Luis Manzano, ibinahagi ang makulit na endorsement shoot nila ni Alex Gonzaga
Luis Manzano at Alex Gonzaga (Photo from Luis Manzano)
Source: Facebook

"O so ngayon, pinagkakakitaano mo na naman kami?" pabirong banat ni Alex.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Kaya ko lang ginawa 'to dahil feeling ko kulang ka pa sa subscribers, willing akon magbigay sa'yo ng konti," ang sagot naman sa kanya ni Luis.

Buong shoot, walang ginawa ang dalawa kundi patawanin din ang kanilang mga kasama ngunit mabilis nilang natapos ito.

Naikwento nilang magkakaroon ng collab video sina Alex at ang mommy ni Luis na si Vilma Santos. Gayundin si Luis na ang makakasama naman ay ang mga magulang ni Alex na sina Bonoy at Pinty Gonzaga sa YouTube channel ng mga ito na 'BoPin.'

Narito ang makulit na pagsasama muli nina Alex na mapanood sa Luiz Manzano YouTube channel:

Si Alex Gonzaga ay isang Filipina actress, TV host at comedienne. Isa rin si Alex sa mga matagumpay na YouTube vlogger sa bansa. Dahil dito, siya rin ang naka-engganyo sa kanyang kapatid na si Toni Gonzaga na pasukin na rin ang mundo ng YouTube. Maging ang kanilang mga magulang na sina Pinty at Bonoy Gonzaga ay mayroon na ring sarili nilang channel.

Read also

Super Tekla, tinukso ni Donita Nose sa isang flight attendant: "Baka ma-turn off siya"

Kamakailan, kasama ang asawang si Mikee Morada, inilahad nila ang malungkot na balita tungkol sa miscarriage na nagyari kay Alex.

Minabuti na rin ng TV host na bumalik na sa noontime show nila na 'Lunch Out Loud' matapos ang pangyayaring ito sa kanya.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel