Mystica, sinabing totoong magkarelasyon si Mygz Molino at manager nila ni Mahal

Mystica, sinabing totoong magkarelasyon si Mygz Molino at manager nila ni Mahal

- Hindi na napigilan ni Mystica na sagutin ang mga lumabas na balitang may relasyon umano sina Mygz Molino at ang manager nila ni Mahal na si Jeth Carey

- Nabanggit ni Mystica na dati niyang karelasyon si Jeth ngunit hiniwalayan niya umano ito dahil nag-away umano sila noon nang nalaman niya ang mga usap-usapan tungkol kay Jeth

- Aniya, hindi isyu sa kanya ang gender ng dalawa at ang kanyang punto lang ay may mga taong naloloko dahil naniwala silang may relasyon sina Mygz at Mahal

- Nagbigay din siya ng payo sa pamilya ni Mahal kung ano ang dapat nilang gawin lalo umano at may mga OFW na nagpapadala ng pera para kay Mahal

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Mainit na usapin ngayon ang tungkol sa umano'y tunay na relasyon ni Mygz Molino at ng manager nila ni Mahal na si Jeth Carey. Ani Mystica, dati niyang karelasyon si Jeth ngunit hiniwalayan niya iyon matapos siyang makarinig ng mga chismis tungkol sa pagkatao nito.

Read also

Mystica, pinakita ang video na noong kasama niya sina Mygz Molino at Jethro Carey

Mystica, sinabing totoong magkarelasyon si Mygz Molino at manager nila ni Mahal
Mystica (www.facebook.com/realtalkwithmystica)
Source: Facebook

Naintindihan din umano ni Mystica ang isang vlogger na dating supporter ng MahMygz na naglabas ng kanyang saloobin hinggil sa umano'y pagpapaniwala na may relasyon si Mahal at Mygz.

Nabanggit din nito ang tungkol sa mga perang pinapadala ng mga OFW dahil natutuwa umano sa tambalang Mygz at Mahal.

Panuorin ang buong pahayag ni Mystica dito:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Mystica o Ruby Rose Mauanay Villanueva sa totoong buhay ay isang aktres na nakabilang sa mga palabas kagaya ng Ang Probinsyano (2015), D' Uragons (2002) and Pipo (2009). Tinagurian din siyang 'split queen' nang sumikat siya bilang isang mang-aawit.

Kamakailan ay sinagot din ni Mystica si Kris Aquino matapos ihayag ni Kris ang saloobin kaugnay sa paninira sa kanyang mga anak.

Read also

Rob Moya, aminadong nasaktan siya nang malamang nagkagustuhan sina Toni at Vince

Naging kontrobersiyal din ang reklamo niya sa umano'y unfair treatment sa kanya sa seryeng "Owe My Love." Gayunpaman, wala umano siyang sama ng loob nang palitan siya ni Patani sa nasabing show.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Walang mali sa hindi pagsang-ayon sa ibang opinyon, walang mali sa pagpapahayag ng opinyon ukol sa isang paksa, at walang mali sa paglaban ng iyong paniniwala ngunit nawa ay iwasan ang dagliang pangungutya at mapanirang pahayag. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel