Mystica, pinakita ang video na noong kasama niya sina Mygz Molino at Jethro Carey

Mystica, pinakita ang video na noong kasama niya sina Mygz Molino at Jethro Carey

- Sa kanyang YouTube channel, diretsahang sinabi ni Mystica na totoong may relasyon sina Mygz Molino at Jethro Carey

- Alam niya umano ito dahil dati niyang nakarelasyon si Jethro na siyang manager nina Mahal at Mygz

- Hindi naman nagpatinag si Mystica sa mga bashers at binahagi niya pa ang patunay na dati pa silang magkakasama nina Jethro at Mygz

- Nilinaw naman niyang hindi isyu sa kanya kung may relasyon nga talaga sila ngunit aniya hindi lang tama ang panlilinlang sa mga tao

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Magkasunod na mga videos ang ibinahagi ni Mystica sa kanyang YouTube channel. Ito uymano ang mga panahong magkakasama sila nina Mygz Molino at Jethro Carey. Matatandaang nauna nang sinabi ni Mystica na totoong may relasyon sina Mygz Molino at Jethro Carey.

Mystica, pinakita ang video na noong kasama niya sina Mygz Molino at Jethro Carey
Mystica (www.facebook.com/realtalkwithmystica)
Source: Facebook

Alam niya umano ito dahil dati niyang nakarelasyon si Jethro na siyang manager nina Mahal at Mygz. Hindi naman nagpatinag si Mystica sa mga bashers na nagtatanggol kay Mygz. Sa halip ay binahagi niya pa ang patunay na dati pa silang magkakasama nina Jethro at Mygz

Read also

Mystica, pumalag sa inilabas na pahayag ni Cristy Fermin kaugnay kay Mahal

Nilinaw naman niyang hindi isyu sa kanya kung may relasyon nga talaga sila ngunit aniya hindi lang tama ang panlilinlang sa mga tao.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Mystica o Ruby Rose Mauanay Villanueva sa totoong buhay ay isang aktres na nakabilang sa mga palabas kagaya ng Ang Probinsyano (2015), D' Uragons (2002) and Pipo (2009). Tinagurian din siyang 'split queen' nang sumikat siya bilang isang mang-aawit.

Kamakailan ay sinagot din ni Mystica si Kris Aquino matapos ihayag ni Kris ang saloobin kaugnay sa paninira sa kanyang mga anak.

Naging kontrobersiyal din ang reklamo niya sa umano'y unfair treatment sa kanya sa seryeng "Owe My Love." Gayunpaman, wala umano siyang sama ng loob nang palitan siya ni Patani sa nasabing show.

PAALALA: Walang mali sa hindi pagsang-ayon sa ibang opinyon, walang mali sa pagpapahayag ng opinyon ukol sa isang paksa, at walang mali sa paglaban ng iyong paniniwala ngunit nawa ay iwasan ang dagliang pangungutya at mapanirang pahayag. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon. Laging tandaan at isa-isip ang paalalang "Think before you click."

Source: Kami.com.ph

Online view pixel