Mystica, pumalag sa inilabas na pahayag ni Cristy Fermin kaugnay kay Mahal

Mystica, pumalag sa inilabas na pahayag ni Cristy Fermin kaugnay kay Mahal

- Matapos ipagtanggol ni Cristy Fermin si Mygz Molino sa pamamagitan ng kanyang programa, muling nagsalita si Mystica

- Muli niyang pinanindigan na dapat ay malaman ng publiko na hindi talaga totoo na nagkaroon ng relasyon sina Mahal at Mygz

- Isa din sa nabanggit niya ay ang tungkol sa pera ni Mahal na nauna nang nabanggit ni Jason Tesorero sa kanyang live

- Matatandaang nauna nang kinumpirma ni Mystica na totoo ang lumabas na balitang magkarelasyon sina Mygz at ang manager nila

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Hindi pinalampas ni Mystica ang naging pahayag ni Cristy Fermin kaugnay sa kontrobersiya kaugnay sa pera ni Mahal at sa umano'y relasyon ni Mygz Molino sa manager nila ni Mahal na si Jethro.

Mystica, pumalag sa inilabas na pahayag ni Cristy Fermin kaugnay kay Mahal
Mystica (www.facebook.com/realtalkwithmystica)
Source: Facebook

Ayon kay Mystica, nararapat lamang na malaman kung saan napunta ang pera ni Mahal. Ani Mystica, karapatan ng pamilya ni Mahal na alamin kung saan napunta ang pera ni Mahal.

Hindi sumang-ayon si Mystica sa pahayag ni Cristy Fermin na pagpahingahin na lang daw sana ang kaluluwa ni Mahal.

Dagdag pa ni Mystica, dapat matigil na ang pagmamanipula nila na totoo ang tambalang MahMygz. Diretsahan niyang sinabi na para kay Mahal, hindi na mahalaga kay Mahal kung may relasyon sina Mygs at Jethro.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Aniya, paniniwala niya ay nasaktan pa rin si Mahal sa kanyang nalaman dahil inilabas umano nito ang kanyang nalaman na inilabas ng isang YouTuber kamakailan.

Matatandaang hindi napigilan nina Jason at mga kapatid niya kamakailan na ipagtanggol ang kanilang pamilya matapos silang akusahan na mukhang pera.

Dito na inilabas ni Jason na 25K lamang ang laman ng passbook ni Mahal.

Si Mystica o Ruby Rose Mauanay Villanueva sa totoong buhay ay isang aktres na nakabilang sa mga palabas kagaya ng Ang Probinsyano (2015), D' Uragons (2002) and Pipo (2009). Tinagurian din siyang 'split queen' nang sumikat siya bilang isang mang-aawit.

Kamakailan ay sinagot din ni Mystica si Kris Aquino matapos ihayag ni Kris ang saloobin kaugnay sa paninira sa kanyang mga anak.

Naging kontrobersiyal din ang reklamo niya sa umano'y unfair treatment sa kanya sa seryeng "Owe My Love." Gayunpaman, wala umano siyang sama ng loob nang palitan siya ni Patani sa nasabing show.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel