Aljur Abrenica, Kylie Padilla at ina ni AJ Raval, binura ang mga kontrobersiyal nilang posts

Aljur Abrenica, Kylie Padilla at ina ni AJ Raval, binura ang mga kontrobersiyal nilang posts

- Matapos ang ilang araw ng pagiging laman ng mga showbiz news articles, minabuti nina Aljur Abrenica, Kylie Padilla at ina ni AJ Raval na burahin na ang kanilang mga kontrobersiyal na posts

- Matatandaang ang naging ugat ng sang-sangang sagutan ay ang post ni Aljur kung saan hinamon niya ang asawa na sabihin kung sino talaga ang unang nagloko

- Kasunod nito ay pinasalamatan ni Alyssa Alvarez ang aktor sa paglalabas nito ng katotohanan dahil na rin sa pagkakabatikos sa kanilang pamilya

- Binura na rin ni Kylie ang kanyang patutsada kay Cristy Fermin kaugnay sa naging pahayag nito kaugnay sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Burado na ang mga kontrobersiyal na social media posts nina Aljur Abrenica, Kylie Padilla at Alyssa Alvarez kasunod ng sanga-sangang isyu na nagmula sa post ni Aljur kung saan hinamon nito ang kanyang asawang si Kylie na sabihin kung sino talaga ang unang nagloko.

Read also

Ogie Diaz sa KMJS interview ni Kylie Padilla: "Para sa'kin, 'di na niya mahal si Aljur"

Aljur Abrenica, Kylie Padilla at ina ni AJ Raval, binura ang mga kontrobersiyal nilang posts
Aljur Abrenica (@ajabrenica)
Source: Instagram

Kasunod nito ay naging usap-usapan ang pahayag ng ina ni AJ Raval na si Alyssa. Pinasalamatan nito ang aktor sa pagsasalita nito dahil na rin umano sa tindi ng pamba-bash sa kanilang pamilya.

Kasunod nito ay hindi pinalampas ni Kylie ang mga pahayag ni Cristy Fermin kaugnay sa isyu nila. Pinalagan niya ito. Gayunpaman, hindi din nagpatinag ang kolumnista at sinagot pa rin si Kylie. Pinanindigan nito ang kanyang naging pahayag.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Aljur Abrenica ay isang Pinoy na aktor na unang nakilala matapos siyang sumali sa fourth season ng reality talent search ng GMA-7 na StarStruck. Naipareha siya sa kanyang kasabayan sa Starstruck na si Kris Bernal.

Ikinasal siya kay Kylie Padilla at nabiyayaan sila ng dalawang anak na lalaki, sina Alas Joaquin at Axl.

Matatandaang nag-ugat ang paglabas ng bali-balitang may problema ang mag-asawa matapos mapansin ng mga netizens na halos burado na sa Instagram ni Kylie ang mga litrato ni Aljur. Marami din sa kanyang post ang tila may kaugnayan sa pinagdadaanan nila ni Aljur.

Read also

Aljur sa 'Breaking Silence' post: "Nasadsad na ako, natulak, lubog at nabugbog na ako"

Kasunod nito ay napawi ang pangamba ng kanilang fans matapos ibahagi ni Kylie ang isang litrato kung saan kasama ni Aljur ang mga anak.

Nakatakda namang magpaunlak ng panayam si Kylie kay Jessica Soho.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel