Softdrink Beauties, binunyag na hindi close si Pepsi sa nanay
Mariing itinanggi ni Coca Nicolas na hindi sila malapit ni Pepsi Paloma
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Pinabulaanan ng Softdrink Beauties ang bersyon ng kwento ni Darryl Yap sa pelikulang The Rapists of Pepsi Paloma
Inilahad nina Coca, Sarsi Emmanuelle, at Myrna Manibog ang umano’y sigalot sa pagitan ni Pepsi at ng ina nito
Pinagkaisahan ng Softdrink Beauties na walang katotohanan ang alegasyon laban kay Vic Sotto noong 1982
Mariing pinasinungalingan ng dating bold star na si Coca Nicolas ang pahayag ng kontrobersiyal na direktor na si Darryl Yap, kaugnay ng pelikulang TROPP. Sa panayam ni Julius Babao sa YouTube channel nitong Unplugged noong Enero 23, 2025, inilahad ni Coca ang kanyang saloobin sa social media post ni Darryl na nagsasabing hindi sila close ni Pepsi Paloma.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Ayon kay Darryl: “TIGILAN NYO YANG KAKACOCA NICOLAS NYO. HINDI SILA CLOSE NI PEPSI."
Hindi nagpatinag si Coca at iginiit ang pagiging malapit niya kay Pepsi, aniya, “Super close kami.” Dagdag pa niya, “Sino ba yung Darryl? Hindi ko siya kilala! Kahit ganito lang ang beauty ko, hindi ko siya kilala.”
Pinabulaanan ang mga alegasyon
Sinagot ito ni Darryl sa social media, “Napakaconvenient kasi dito kay Sarsi Emmanuelle na patay na ang pinag-uusapan. Close ba kayo ni Pepsi? Nung namatay siya saka kayo sumikat!”
Sa parehong panayam, ibinunyag ni Coca at ng kapwa niya Softdrink Beauties ang kanilang mga nalalaman tungkol sa yumaong si Pepsi. Ayon kay Coca, nasaksihan niya mismo ang sigalot sa pagitan ni Pepsi at ng ina nitong si Lydia Dueñas. Ani niya, “Sinama ako ni Pepsi sa bahay nila sa Olongapo bago mag-Pasko para magdala ng lechon, pero hindi ito tinanggap ng nanay niya.”
Kinumpirma ni Myra ang salaysay ni Coca, at sinabi niyang hindi kailanman naging visible ang ina ni Pepsi sa mga shooting at promotional events ng kanilang mga pelikula.
Dagdag naman ni Sarsi, “Yung sabihin mo na alam nung ina, mas marami pa kaming alam.”
Nagkaisa ang Softdrink Beauties sa pagtutol sa bersyon ng kwento ni Darryl sa pelikula, partikular na ang alegasyon laban kay Vic Sotto noong 1982. Ayon sa kanila, walang katotohanan ang isyung ito at isang malaking pagkakamali ang gawing pelikula ang naturang kwento.
Si Pepsi Paloma ay isang Pilipinong aktres at modelo na naging tanyag noong dekada 1980. Siya ay naging bahagi ng grupong "Softdrink Beauties," kasama ang iba pang mga aktres na naging popular sa panahong iyon. Gayunpaman, ang kanyang buhay ay sinalubong ng kontrobersiya at mga hamon, at pumanaw siya sa edad na 21 noong 1985. Ang kanyang pagkamatay ay nagdulot ng maraming spekulasyon at usapan, at nananatiling isang mahalagang bahagi ng kasaysayan ng entertainment sa Pilipinas.
Opisyal nang inilabas ng VinCentiments, ang production company ni Darryl Yap, ang trailer para sa pelikulang naglalaman ng umano'y kuwento tungkol kay Pepsi Paloma. Ang nasabing pelikula ay ginawa bilang paggunita sa ika-40 na anibersaryo ng pagkamatay ng dating bold star.
Sa isang emosyonal na post sa Facebook, ibinahagi ng kontrobersyal na direktor na si Darryl Yap ang masalimuot na proseso ng paggawa ng kanyang pelikula, TROPP. Ayon sa kanya, hindi naging madali ang kanilang paglalakbay dahil sa iba't ibang hamon tulad ng pag-pull out ng mga distributors, pagbawi ng mga permiso para sa paggamit ng mga awit, at pagharap sa mga reklamo.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh