Pinay TikTok star, matapang na nalampasan ang matitinding pambu-bully mula pagkabata

Pinay TikTok star, matapang na nalampasan ang matitinding pambu-bully mula pagkabata

- Nakapanayam ni Ogie Diaz ang Tiktok Star na si Euleen Castro

- Inamin nitong mula pagkabata ay madalas na siyang ma-bully dahil umano sa kanyang timbang

- Umabot pa sa puntong sa comfort room na lang siya ng kanilang paaralan kumakain upang hindi siya lokohin ng mga kamag-aral

- Sa loob ng anim na oras sa paaralan, tinitiis niya madalas na 'di kumain para pa rin hindi makarinig ng anumang panghuhusga sa kanya ng mga kaklase

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagpaunlak ng panayam ang TikTok Star na si Euleen Castro kay Ogie Diaz.

Pinay TikTok star, matapang na nalampasan ang matitinding pambu-bully mula pagkabata
Photo: Euleen Castro
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na si Euleen ay nakilala sa TikTok dahil sa kanyang honest review sa mga restaurant na nakainan.

Sa panayam sa kanya ni Ogie D, naikwento ni Euleen na mula pagkabata, nakaranas na siya ng pambu-bully dahil umano sa kanyang timbang.

Hindi tulad ngayon na masaya at confident naman siya sa kanyang size, umamin si Euleen na dumating noon sa puntong sa C.R. ng kanilang paaralan siya kumakain.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"To the point na kumakain ako sa C.R. Kasi alam kong 'pag kumain ako sa canteen, ibu-bully po nila ako, tititigan nila ako ta's pagtatawanan nila ako," pagbabalik-tanaw ni Euleen.

"Kasi ang pasok ko po 'non is 8:00 to 2:00pm. Tapos tinitiis ko po 'yun na hindi kumain ng 8:00 to 2:00pm. Kakain na ako ng marami na breakfast sa bahay. Tapos 2 (pm) na ulit ako makakain pagdating ko sa bahay," dagdag pa ni Euleen.

Subalit minsan, hindi na niya talaga kinakaya ang pagtitiis na hindi kumain kaya naman napipilitan siyang sa banyo na lang kumain upang hindi marinig ang pangungutya ng kanyang mga kamag-aral.

Ngayon, malayong-malayo na ang Euleen na ito sa Euleen na napapanood daw natin sa TikTok. Masaya at confident siya sa kanyang sarili sa kabila ng patuloy na pagpuna sa kanya ng iba.

Narito ang kabuuan ng panayam sa kanya mula sa Ogie Diaz YouTube channel:

Pinakakaabangan ng marami ang mga video ng kilalang showbiz reporter at talent manager na si Ogie Diaz sa kanyang YouTube channels na "Ogie Diaz" at "Ogie Diaz Showbiz Updates" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at iba pang kilalang personalidad na nagbibigay inspirasyon sa marami.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel