Mona Alawi, naikwento ang nararamdaman sa balat dala ng diabetes; "So nasa-shock siya"

Mona Alawi, naikwento ang nararamdaman sa balat dala ng diabetes; "So nasa-shock siya"

- Naibahagi ni Mona Alawi ang ilang nararamdaman niya dala ng pagkakaroon ng kakaibang diabetes

- Dahil dito, mismong si Dra. Vicki Belo na ang tumutok sa kanyang kalagayan

- Naikwento rin ng doktor na hindi pa man niya kilala noon si Mona, concern na siya sa kakaibang karamdaman nito

- Kaya naman malaki ang pasasalamat ni Ivana kay Dra. Vicki lalo na at malaki na ang naitulong nito sa gamutan ng kanyang kapatid

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naikwento ni Mona Alawi ang isa sa kanyang nararamdaman dala ng kanyang pagkakaroon ng kakaibang diabetes.

Mona Alawi, naikwento ang nararamdaman sa balat dala ng diabetes; "So nasa-shock siya"
Mona Alawi (Photo: @_monaalawi)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na sa vlog ni Dra. Vicki, nangako ang celebrity doctor na patuloy na tututok sa kalagayan ni Mona na mayroon 'di umanong diabetes neuropathy.

Ayon kay Mona, dumarating sa punto na kahit masagi lang ng tela ang balat niya, iba ang sakit na nararamdaman niya.

Read also

Ivana Alawi, isiniwalat ang pagtutok ni Dra. Vicki Belo sa kalusugan ni Mona Alawi

"May times po na 'pag pinawisan ako, It felt like my skin was burning," matapang na isiniwalat ni Mona.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"We will fix that, I pray Lord, we eill fix that," ayon kay Dra. Belo na nangangakong aalalay sa gamutan ni Mona.

Sa naturang vlog din naisiwalat ni Ivana na si Dra. Belo ang nagrekomenda ng doktor na siyang malaki ang naitulong sa pagbuti ngayon ng kalagayan ni Mona.

Narito ang kabuuan ng vlog mula sa YouTube channel ni Dr. Vicki Belo:

Si Mona Alawi ang bunsong kapatid ni Ivana Alawi. Nagsimula si Mona bilang isang child actress subalit nagpahinga sa showbiz dahil na rin sa kanyang karamdaman.

Subalit kamakailan lang at nanumbalik siya sa pag-arte sa pagganap niya bilang batang 'Cherry Red' na karakter ng kanyang ate Ivana sa bagong teleserye niyang 'A Family Affair.'

Read also

Dalawang beses na na-engage, 'Mr. Right' din pala ang hanap ng una sanang pakakasalan

Madalas ding mapanood si Mona sa mga vlog ni Ivana kung saan madalas siyang kasabwat nito sa mga prank na ginagawa lalo na sa mga taong kanilang sinusurpresa.

Tulad na lamang ng kapatid ng PA ni Ivana na nagawa muna nilang i-prank bago nila ibigay ang pinapangarap nitong pagpapayos umano ng kanyang ilong.

Matatandaang ipinasundo pa talaga ni Ivana ang kapatid ng PA niyang noo'y nagbabakasayon sa Batangas sa pamamagitan ng isang chopper para lang sa surpresa nito sa kanya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel