Dalawang beses na na-engage, 'Mr. Right' din pala ang hanap ng una sanang pakakasalan

Dalawang beses na na-engage, 'Mr. Right' din pala ang hanap ng una sanang pakakasalan

- Nagulat ang mga Eat Bulaga Dabarkads sa kwento ng isa nilang panauhin na dalawang beses nang na-engage

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

- Bukod umano sa madalas na pagtatalo, nalaman niyang ang unang lalaki sanang pakakasalan ay 'Mr. Right' din ang hanap

- Subalit sumubok pa muli siyang pagbigyan ang puso sa ikalawang pagkakataon kung saan muli siyang nasawi

- Matatandaang isang Bawal Judgmental guest din ang nakapagkwento na matapos niyang ikasal sa loob lang ng dalawang buwan, iniwan na agad siya ng mister

Nagulat ang mga Eat Bulaga Dabarkads sa kwento ng isa nilang panauhin sa Bawal Judgmental.

Dalawang beses na na-engage, 'Mr. Right' din pala ang hanap ng una sanang pakakasalan
Photo: Glen (Bawal Judgmental/ Eat Bulaga)
Source: Facebook

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Nalaman ng KAMI na dalawang beses na na-engage ang kanilang guest na si Glen subalit wala sa mga ito ang nakatuluyan niya.

Read also

Mayor sa Mexico, pinakasalan ang buwaya bilang tradisyon

Kwento ni Glen, ang una niyang fiancé ang nagdala pa umano ng kanyang wedding gown noon.

Subalit nalaman niyang ito pala ang nais na magsuot ng kanyang gown at 'Mr. Right' din pala ang hanap nito.

"I was engaged abroad po, tas umuwi siya muna dala yung sa damit, bridal gown. Basta po hindi na natuloy pagdating niya abroad," pahayag ni Glen.

Naikomento naman ni Maja na nakita raw kasi ng sana'y groom ni Glen ang gown nito at laking gulat nila nang sabihin naman ng kanilang guest na mas gusto raw talaga isuot ng kanya noong groom ang kanyang gown.

Samantala, ang ikalawa niyang engagement at inilarawan niya ang "masakit."

"Napakasimple, nakalimutang magsabi ng I love you. Tapos nagsawa na sa kakaaway. It was a toxic relationship actually po," paglalarawan ni Glen.

Gayunpaman, hindi naman nawawalan ng pag-asa si Glen na balang araw ay makikilala na niya ang taong nakalaan para sa kanya.

Read also

Gerald Anderson, hindi nakaligtas sa prank ni Ivana Alawi

Narito ang kabuuan ng kanyang kwento mula sa Bawal Judgmental ng Eat Bulaga:

Ang Bawal Judgmental ay bahagi ng longest running noontime show sa bansa, ang Eat Bulaga. 1979 pa nang una itong maisa-ere sa RPN 9 kung saan orihinal na host nito ang TVJ o ang "Tito, Vic and Joey."

Mula taong 1995, GMA na ang naging tahanan ng Eat Bulaga hanggang sa kasalukuyan. Isa sa pinakaaabangang portion ng noontime show ay ang 'Bawal Judgmental' kung saan iba't ibang kwento ng kanilang mga panauhin ang naibabahagi at nagiging inspirasyon sa marami.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel