Ivana Alawi, isiniwalat ang pagtutok ni Dra. Vicki Belo sa kalusugan ni Mona Alawi

Ivana Alawi, isiniwalat ang pagtutok ni Dra. Vicki Belo sa kalusugan ni Mona Alawi

- Naikwento ni Ivana Alawi na si Dra. Vicki Belo umano ang nakahanap ng doctor para sa kanyang kapatid na si Mona

- Ayon sa celebrity doctor, hindi pa man niya noon nakikita si Mona, concern na niya ang kalusugan nito

- Malaking bagay ang doktor na nairekomenda ni Dra. Vicki na siyang tumututok sa kalagayan ni Mona kaya bumubuti ang pakiramdam nito

- Kaya naman malaki ang pasasalamat ni Ivana at Mona kay Dra. Vicki gayundin sa mister nitong si Hayden Kho

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naisiwalat ni Ivana Alawi na ang celebrity doctor na si Vicki Belo ang nakapagrekomenda sa kanila ng doktor na tumututok sa kalusugan ng kapatid niyang si Mona Alawi.

Ivana Alawi, isiniwalat ang pagtutok ni Dra. Vicki Belo sa kalusugan ni Mona Alawi
Ivana Alawi (@ivanaalawi)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na concern talaga si Dra. Vicki kay Mona nang malaman ang kalagayan nito sa pagkakaroon ng diabetes.

Read also

Gerald Anderson, hindi nakaligtas sa prank ni Ivana Alawi

Hindi pa man niya noon nakikilala si Mona ngunit nang malaman niya ang kondisyon nito, hindi nagdalawang isip si Dra. Vicki na tumulong.

"Alam mo kung ganito kita kamahal kahit hindi pa kita kilala? Worried na worried ako 'di ba Ivana, I'm always asking..." ang pahayag ni Dra. Belo patungkol kay Mona.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Ito 'yung nakahanap ng doctor ni Mona for diabetes kaya gumaganda yung health ni Mona was Dra. Vicki," pagsisiwalat naman ni Ivana. Ang mister naman ni Dra. Vicki na si Hayden Kho talaga ang may kilala umano sa doktor ni Mona kaya naman tinutukan na nila ang kalagayan ng dalagita.

Sa ngayon, kapansin-pansin ang pagbuti ng kalagayan ni Mona sa patuloy niyang gamutan. Katunayan, siya ang gumanap na batang Ivana sa teleserye nitong 'A Family Affair.'

Read also

Jose Hallorina, sinagot ang umano'y paratang ni Donnalyn Bartolome

Si Ivana Alawi ay naunang nakilala nang sumali siya sa "StarStruck" sa GMA-7. Dahil sa kanyang taglay na ganda, sumikat siya sa social media pati na rin sa mundo ng vlogging. Sa kasalukuyan, umabot na sa mahigit 15 million ang kanyang mga YouTube subscribers.

Marami ang naaaliw sa vlog ni Ivana sa kanyang channel dahil sa kulitan nila ng kanyang pamilya. Makikita rin kasi dito ang kabutihan ng puso ni Ivana na hindi lang siya sa kanyang pamilya matulungin kundi lalo na sa mga kababayan nating labis na nangangailangan.

Mula sa pagiging isang artista at vlogger, isa na rin siyang CEO ng sarili niyang business ang 'Ivana Skin'.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel