Nikka Garcia, pinakita ang nakakabilib na dance performance ng anak

Nikka Garcia, pinakita ang nakakabilib na dance performance ng anak

- Pinagmalaki ni Nikka Garcia ang isang performance ng anak nila ni Patrick Garcia sa kanilang dance recital

- Maririnig ang kanyang pag-cheer sa anak habang mag-isa itong nag-sasayaw sa entablado

- Mayroon pa itong bahagi kung saan sumayaw siya sa harapan ng mga kasama niya at nag-cartwheel

- Marami naman sa mga kaibigan ng mag-asawa mula sa showbiz ang napabilib sa mahusay na pagsayaw ni Michelle

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ibinida ni Nikka Garcia ang pagsayaw ng anak na si Michelle Celeste Garcia sa ginanap na recital nila. Marami naman sa mga kaibigan ng mag-asawa mula sa showbiz ang napabilib sa mahusay na pagsayaw ni Michelle na nag-cartwheel pa.

Nikka Garcia, pinakita ang nakakabilib na dance performance ng anak
Nikka Garcia, pinakita ang nakakabilib na dance performance ng anak (@nikkamgarcia)
Source: Instagram

Ayon kay Nikka, nag-perform ang tatlong magkakapatid at ibabahagi niya din ang iba pang naging performance ng mga ito sa ginanap na recital.

Woooooohoooo!!!!!!! GO MICHELLE! A sneak peak of today’s recital! All three girls performed and we are soooooooooo proud! Can’t wait to show all of you their performance congratulations to the entire @skydanceavenuemnl family!

Read also

Bagong kasal, naging instant millionaire dahil sa kanilang money dance

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Kabilang sina Cheska Garcia, Yam Concepcion, Sherilyn Tan at Kitkat Favia sa mga pumuri sa mahusay na performance ng anak ni Patrick.

Si Patrick Garcia ay isang aktor na unang nakilala nang mapasali siya sa pelikulang "Separada" noong 1994. Ilan sa mga ginawa niyang teleserye ay "Gimik", "Araw-araw, gabi-gabi", at "Asero." Siya ang nakababatang kapatid ng dating aktres na si Chesca Garcia. Pinsan siya nng mga aktres na sina Sharmaine Arnaiz at Bunny Paras. Nagkaroon siya ng anak sa dating karelasyon na si Jennylyn Mercado. Sa kabila ng kanilang paghihiwalay, naging maayos ang kanilang samahan.

Nag-post si Patrick Garcia ng picture ng anak niyang si Pia sa pagdiriwang nila ng ika-apat na taong kaarawan nito. Ang kanyang misis naman na si Nikka ay nag-post ng baby picture ng kanilang anaki. Sinabi niya na nung pinagbubuntis niya ang anak ay gusto niya talaga ng babae kahit dalawa na ang naunang dalawang anak nila.

Read also

Brenda Mage, umaming nagsisi umano sa pagsali sa Pinoy Big Brother

Sa pagdiriwang naman ng ika-9 na kaarawan ng anak na si Michelle Celeste Garcia, nagbahagi ng kanilang pagbati ang mag-asawa. Pinagmalaki ni Patrick ang ugali at personality ng panganay na anak. Pinasalamatan naman ni Nikka ang anak sa pagkakataong maranasan niya kung gaano kasaya ang maging isang ina.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel