Franki Russell, binati si Diego Loyzaga sa IG story matapos nitong burahin ang naunang post

Franki Russell, binati si Diego Loyzaga sa IG story matapos nitong burahin ang naunang post

- Agad na kumalat ang mga pictures nina Diego Loyzaga at dating PBB housemate Franki Russell kasunod ng pagpost ni Franki para batiin si Diego

- Binati niya ito sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan ngunit agad din niyang binura matapos mag-viral ang kanyang post

- Marami naman ang nakapag-save ng kanyang mga binahaging pictures kaya kumalat pa rin ang burado niyang post

- Sa kanyang IG story, muling binati ni Franki si Diego kalakip ng picture nilang dalawa na magkasama

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Agad mang binura ng dating Pinoy Big Brother housemate na si Franki Russell ang kanyang Instagram post kung saan binati niya si Diego Loyzaga, kumalat pa rin ang mga pictures nila. Marami ang naintriga lalo at kamakailan ay lumikha ng ingay ang paghihiwalay nina Diego at Barbie Imperial.

Franki Russell, binati si Diego Loyzaga sa IG story matapos nitong burahin ang naunang post
Photo from Diego Loyzaga (@diegoloyzaga)
Source: Instagram

Sa kanyang IG story, muling binati ni Franki si Diego kalakip ng picture nilang dalawa na magkasama.

Read also

Huling eksena ni Susan Roces sa FPJ: Ang Probinsyano, binalikan

Ni-repost naman ito ni Diego sa kanyang IG story at pinasalamatan niya si Franki.

Sa mga pictures nila ni Franki, hindi maiwasang lumabas ang espikulasyong nagkakamabutihan ang dalawa. Dahil single naman si Diego ay posible naman umano itong magkaroon ng ibang karelasyon.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Samantala, ang huling naiuugnay kay Franki ay ang dating boyfriend ni Pia Wurtzbach na si Marlon Stöckinger. Sa isang panayam kay Boy Abunda noong 2020, binanggit ni Franki na nasa 'getting to know each other' stage pa lamang sila noon.

Si Carlos Diego Loyzaga o mas kilala bilang Diego Loyzaga ay isang aktor, modelo at video jockey. Anak siya ni Tereza Loyzaga at Cesar Montano. Matatandaang pansamantalang tumigil sa pag-aartista si Diego matapos dumaan sa depresyon. Ito ay nangyari sa kalagitnaan ng seryeng "Los Bastardos" kung saan isa siya sa bida.

Read also

Senator Drilon, may payo sa mga kapwa senador; "Unang una, mag-aral po kayo"

Kasunod nito ay inamin din ni Barbie ang tungkol sa kanilang relasyon na aniya ay hindi niya inasahan dahil sila ay nagsimula sa pagkakaibigan. Pinasalamatan din ni Barbie si Diego dahil sa pagmamahal at pagpapasaya nito sa kanya.

Matatandaang naging usap-usappan ang pagkumpirma ni Barbie tungkol sa hiwalayan nila ng karelasyong si Diego sa loob ng mahigit isang taon. Ito ay matapos ng ilang linggong espekulasyon ng di-umano’y paghihiwalay nila.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel