Zeinab Harake, inilabas ang sama ng loob sa kaibigang hinayaang masira ang pamilya nya

Zeinab Harake, inilabas ang sama ng loob sa kaibigang hinayaang masira ang pamilya nya

- Kasunod ng kanyang eksklusibong panayam sa online show ni Toni Gonzaga na Toni Talks, nagbahagi ng IG story si Zeinab Harake

- Kaugnay ito sa kanyang kaibigan na aniya ay naging customer ang kanyang ex sa kanyang "pangbubugaw"

- Burado na ang naturang Instagram story ngunit marami sa mga netizens ang nakapag-save ng screenshot nito

- Nagkomento din si Zeinab sa pagbati ng naturang kaibigan para sa kaarawan ng kanyang anak na si Bia

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sunod-sunod ang matapang na pahayag ni Zeinab Harake matapos ang paglabas ng panayam sa kanya ni Toni Gonzaga kung saan binunyag niya na single mom na siya. Sa kanyang Instagram stury ay nilabas ni Zeinab ang kanyang saloobin sa kanyang kaibigan na aniya ay isa sa naging daan sa pagkasira ng pamilyang kanyang binuo.

Read also

Market vendor, inspirasyon ang hatid matapos manalong Mayor ng Dolores

Zeinab Harake, inilabas ang sama ng loob sa kaibigang hinayaang masira ang pamilya nya
Photo from Zeinab Harake (@zeinab_harake)
Source: Instagram

Burado na ang naturang Instagram story ngunit marami sa mga netizens ang nakapag-save ng screenshot nito. Ayon kay Zeinab, iisa-isahin niya ang mga ito na naging dahilan ng pagkawasak ng pamilya niya.

Nagkomento din si Zeinab sa pagbati ng naturang kaibigan para sa kaarawan ng kanyang anak na si Bia. Ibinahagi ng naturang kaibigan niya ang naging pagbati ni Skusta Clee sa kanyang anak. Dito ay nagkomento si Zeinab na hindi umano masaya ang anak niyang makatanggap ng pagbati mula sa taong hinayaang masira ang pamilya niya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaang sa kanyang huling vlog, hindi na napigilan ni Zeinab Harake ang kanyang emosyon habang pinapasalamatan ang mga taong tumulong sa kanya. Aniya ay kakayanin niya iyon lahat dahil deserve ng anak niya ng malakas na mommy.

Hindi na nito napigilang maiyak at aminado siyang mahirap daw pala mag vlog kapag may pinagdadaanan sa buhay.

Read also

Mariel Padilla, masayang pwede na siyang magsuot uli ng pink na damit

Si Zeinab Harake ay isang social media influencer at YouTube content creator. Naging kontrobersiyal ang relasyon nila ni Skusta Clee nang una silang maghiwalay kung saan ibinunyag ni Zeinab ang ilang bagay tungkol kay Skusta.

Naging laman ng balita ang pagsasapubliko ni Zeinab na nagdadalang-tao siya sa anak nila ng kasintahang si Skusta Clee. Sa isang panayam kay Toni Gonzaga ay inilahad ni Zenab ang ilang detalye ng kanyang pagbubuntis.

Kamakailan, ibinahagi ni Zeinab ang behind the scenes ng bonggang photoshoot ng baby girl niyang si Bia. Nagmukhang munting prinsesa ang baby nila ng boyfriend na si Skusta Clee ng 'Ex-Batalion.'

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel