Rob Moya, napagtanto kung gaano niya daw kamahal si Toni Fowler

Rob Moya, napagtanto kung gaano niya daw kamahal si Toni Fowler

- Sa kauna-unahang pagkakataon ay naglabas ng video si Rob Moya kaugnay sa nangyaring gulo sa pagitan nila nina Toni Fowler at Vince Flores

- Sa kanyang video ay sinabi ni Rob na lumayo na muna siya pansamantala dahil sa nangyari

- Aniya, muli niyang naramdaman na mag-isa siya at kalaban niya ang lahat matapos ang nangyaring kaguluhan

- Inamin niyang unti-unti niyang naramdamang mahal niya pa rin si Toni at sobra umano siyang nagsisi sa kanyang nagawa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Lalo umanong napagtanto ni Rob Moya kung gaano kahalaga para sa kanya si Toni Fowler. Inamin niyang unti-unti niyang naramdamang mahal niya pa rin si Toni at sobra umano siyang nagsisi sa nagawa.

Rob Moya, napagtanto kung gaano niya daw kamahal si Toni Fowler
Toni Fowler (@tonifowlerpo)
Source: Instagram

Nilinaw niyang ang tunay na dahilan umano kung bakit siya sinampal ni Toni ay nang sinabihan niya si Toni na mahal na mahal niya pa rin si Toni at sinabi niyang gusto niyang balikan si Toni.

Read also

Seth Fedelin, nilinaw na wala siyang sama ng loob kay Andrea Brillantes

Aniya, na-appreciate lang daw niya si Toni at nalasing siya kaya lumabas ang kanyang tunay na saloobin. Inamin niyang kahit bestfriend na lang sila ay kinikilig pa rin daw siya tuwing magkikita sila ni Toni.

Humingi din siya ng dispensa kay Vince at wala umano siyang intensiyon na saktan sila. Aniya kung pwede niya lang ibalik ang oras ay hindi siya magdadalawang-isip na mahalin niya ulit si Toni.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Dagdag pa niya, kahit ilang babae pa ang dumaan sa buhay niya, si Toni ay espesyal sa kanya.

Si Toni Fowler ay nakilala sa social media at bilang isang YouTuber matapos niyang masangkot sa eskandalo kaugnay sa paghihiwalay nina ng aktres at social media star na si Jelai Andres at sa asawa nitong Jon Gutierrez. Sa kabila ng kontrobersiya ay marami ang sumuporta kay Toni at ang naging karelasyon nitong si Rob Moya.

Read also

Robin Padilla, inaming na-depress nang hiwalayan ng unang asawa: "Hindi ako handa"

Kamakailan nga ay agad na nag-viral ang post ni Toni Fowler kung saan pinasalamatan niya si Tito Vince dahil palagi itong nasa tabi niya kahit hanggang magkaibigan lang umano sila.

Naging usap-usapan din ang pagtulong niya sa preparasyon para sa proposal ng kanyang dating karelasyon na si Rob Moya sa bago nitong girlfriend. Gayunpaman, nagkahiwalay din sila.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel