Anthony Leodones, sinabing tinawag daw ni Rob Moya na hampaslupa ang GF niya

Anthony Leodones, sinabing tinawag daw ni Rob Moya na hampaslupa ang GF niya

- Sa kanyang nilabas na video, hindi napigilan ni Anthony Leodones na maglabas ng kanyang sama ng loob kay Rob Moya

- Naalala niya kung paano umano nito tawaging "hampaslupa" ang girlfriend niyang si Jamie

- Ani Anthony, kahit biro iyon ay sobra siyang nasaktan kung paano mura-murahin ni Rob ang kanyang girlfriend

- Iniiwasan na lang umano niyang makita si Rob dahil sa kanyang nagawa noon sa kanila ni Jamie noong panahong walang-wala sila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Naglabas na rin ng kanyang sama ng loob si Anthony Leodones laban kay Rob Moya. Iniiwasan umano niyang makapagsalita ng hindi maganda ngunit bumalik umano sa kanya kung paano harapang murahin ni Rob ang kanyang girlfriend.

Rob Moya, sinabihan umanong hampaslupa ang girlfriend ni Anthony Leodones
Toni Fowler (@tonifowlerpo)
Source: Instagram

Tinawag pa umano ni Rob na hampaslupa ang kanyang girlfriend. Ito daw yung mga panahong walang-wala sila. Kaya naman, ani Anthony ay nakarma umano si Rob dahil ito naman ngayon ang gipit na gipit kaya lagi umano nitong ginagamit si Toni sa kanyang mga content.

Read also

Rob Moya, napagtanto kung gaano niya daw kamahal si Toni Fowler

Matatandaang nag-ugat ang gulo nang lumabas sina Rob kasama sina Toni para ipagdiwang ang kanyang kaarawan. kasunod niyon ay nag-viral ang video kung saan sinampal umano ni Toni si Rob. Gayunpaman, ang nakuhanan lamang ng video ay ang paglabas na nina Toni.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Depensa naman ni Rob, kaya umano siya sinampal ni Toni ay dahil sinabi niyang mahal na mahal niya pa si Toni at gusto niya umano silang magkabalikan. gayunpaman, nilinaw niyang dala ng kanyang kalasingan ay nailabas niya ang kanyang tunay na nararamdaman para kay Toni.

Si Toni Fowler ay nakilala sa social media at bilang isang YouTuber matapos niyang masangkot sa eskandalo kaugnay sa paghihiwalay nina ng aktres at social media star na si Jelai Andres at sa asawa nitong Jon Gutierrez. Sa kabila ng kontrobersiya ay marami ang sumuporta kay Toni at ang naging karelasyon nitong si Rob Moya.

Read also

28-anyos na dating nakulong, 'di nawalan ng pag-asa at isa na ngayong pulis

Kamakailan nga ay agad na nag-viral ang post ni Toni Fowler kung saan pinasalamatan niya si Tito Vince dahil palagi itong nasa tabi niya kahit hanggang magkaibigan lang umano sila.

Naging usap-usapan din ang pagtulong niya sa preparasyon para sa proposal ng kanyang dating karelasyon na si Rob Moya sa bago nitong girlfriend. Gayunpaman, nagkahiwalay din sila.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel