Madam Kilay, hindi umano papatol sa isyu na gagamitin lang ng iba para magka-content

Madam Kilay, hindi umano papatol sa isyu na gagamitin lang ng iba para magka-content

- Matapos ang mga naging komentong ilang YouTuber at content creator, umani ng mga reaksiyon ang pahayag ni Madam Kilay

- Kaugnay ito sa kanyang nilabas na pahayag sa umano'y bayarang naganap sa katatapos lang na awarding event

- Ani Madam Kilay, hindi na siya sasagot sa mga patutsada ng ilang content creator para lalong humaba ang isyu

- Matatandaang naglabas si Madam Kilay ng pahayag kaugnay sa isyu dahil may mga nagtatanong umano sa kanya kung bakit wala siyang award na natanggap

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Matapos ang samu't-saring reaksiyon ng mga content creator sa pahayag ni Madam Kilay kaugnay sa umano'y bayaran ng award sa naganap na awarding event, minabuti ni Madam Kilay na huwag nang pahabain pa ang isyu.

Madam Kilay, hindi umano papatol sa isyu na gagamitin lang ng iba para magka-content
Madam Kilay (@madamkilay)
Source: Instagram

Aniya, ayaw niya nang magsalit pa dahil gagawin lamang itong content ng iba.

Read also

Toni Fowler, itinangging binayaran niya ang award na natanggap

WAG NYO NA NGA GAMITIN ANG ISYU NA SINABI KO PARA MAY MA CONTENT ! AS IF PATULAN KO PARA LUMAKIBASAG NA OK?! #MOVEON 5days ago na yan #ForTheViews

Matapos ang kanyang pagbubunyag kamakailan kaugnay sa awarding na kailangan umanong bayaran, inalmahan ni Madam Kilay ang naging reaksiyon ng ilang mga YouTuber at influencer na kagaya niya. Napamura pa siya dahil sinabihan siya ng isang TikToker na nanghihila umano siya pababa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nauna nang nilinaw ni Madam Kilay na hindi niya pinariringgan ang kanyang mga kapwa vloggers. Nais niya umanong punahin ang mga organizers na pinagkakakitaan ang mga kagaya nila na bukod sa paghingi ng bayad ay napo-promote pa ang kanilang organization dahil sa tulong nga vloggers na mas marami ang followers.

Si Madam Kilay o Jinky Anderson ay unang sumikat sa Facebook sa kanyang ibinahaging mga kilay tutorial. Ibinahagi niya rin ang kanyang buhay bilang asawa ng isang Afam. Gayunpaman, kinalaunan ay ibinahagi niyang nagkahiwalay sila ng unang asawa hanggang sa makilala niya ang kasalukuyang boyfriend niya na si Michael.

Read also

Cristy Fermin, sinabing pera ang dahilan ng hiwalayang Tom Rodriguez at Carla Abellana

Kahit kasalukuyang nasa Amerika, marami sa kanyang mga tagasuporta sa Pilipinas ang nasusubaybayan ang mga pangyayari sa kanya. Kamakailan ay ibinahagi ni Madam Kilay ang tungkol sa pagreklamo ng kanyang kapitbahay sa kanila ng boyfriend niyang si Michael.

Ibinahagi niya rin ang video kung saan nabagsak niya ang isang mamahaling camera.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel