Cristy Fermin, sinabing pera ang dahilan ng hiwalayang Tom at Carla

Cristy Fermin, sinabing pera ang dahilan ng hiwalayang Tom at Carla

- Para kay Cristy Fermin, hangga't hindi nagsasalita ang mag-asawang Carla Abellana at Tom Rodriguez, lalong lalala ang mga espikulasyon tungkol sa kanila

- Ang nasisilip umanong dahilan ni Cristy Fermin ay ang usaping pera lalo na ang kanilang ipon na pera

- Itinaya umano ito ni Tom sa isang political party ngunit pagdating sa COMELEC ay naudlot

- Matatandaang kamakailan ay nagsalit na rin ang ama ni Carla na si PJ Abellana kaugnay sa pinagdadaanan ng mag-asawa

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa isang episode ng Showbiz Now Na! ni Cristy Fermin, nabanggit niya ang tungkol sa mag-asawang Tom Rdriguez at Carla Abellana. Aniya, ang nasisilip niyang dahilan ng problema ng mag-aswa ay ang ipon na pera nila na nagalaw ni Tom.

Cristy Fermin, sinabing pera ang dahilan ng hiwalayang Tom at Carla
Carla Abellana (@carlaangeline)
Source: Instagram

Aniya, naitaya umano ni Tom ito sa isang political party na hindi naging matagumpay pagdating sa COMELEC. Aniya pa, hangga't hindi nagsasalita ang mag-asawa kaugnay sa dahilan ng kanilang problema, lalong lalala lang ang espikulasyon ng mga tao.

Read also

Xian Gaza, usap-usapan dahil sa komento nito pagbili ng sports car ni Jillian Ward

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaang kamakailan, ilang netizens ang nagkomento sa pictures na ibinahagi ni Carla Abellana dahil sa umano'y pag-edit niya sa pamamagitan ng pagbura ng kanyang singsing. Nauna niya nang naipost ang isa sa mga pictures noong November 2021 ngunit may suot pa siyang singsing doon.

Nanatili pa ring tikom ang bibig ng magkabilang kampo kaugnay sa balitang lumabas. Kung si Carla ay namataang hindi na suot ang kanyang wedding ring, si Tom naman ay nag-post pa ng kanyang picture kung saan suot pa rin nito ang kanyang singsing.

Si Carla Abellana ay isang aktres, product endorser at commercial model. Anak siya ng aktor na si Rey "PJ" Abellana‎. Nakilala siya sa kanyang unang lead role sa remake ng Mexican telenovela na "Rosalinda" noong taong 2009.

Read also

Cristy Fermin sa hiwalayan ng Donekla; "Sinayang nila 'yung pagkakataon"

Kamakailan lang ay inamin ni Carla na hindi sila laging sweet ng nobyo na ngayon ay asawa na niyang si Tom Rodriguez. Matatandaang nagsama na ang dalawa sa isang bubong simula nang magkaroon ng pandemya.

Masaya umano si Carla na tumira si Tom sa bahay niya dahil wala siyang kasama dahil matapos ang pagpapatupad ng mga lockdown ay wala siyang kasama dahil nagsiuwian sa kani-kanilang pamilya ang mga kasama niya sa bahay.

Sinagot din ni Carla ang katanungan kung kailan sila ikakasal.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel